CAPITULO 16

2K 32 2
                                    

CLAZZO

The competition is already settled.

Sumugod si Rhyle sa Cienfuego group para iapaalam mismo sa kay Cienfuego ang mangyayaring competition, lahat man kami sa Wagon organization ay malalakas, hindi pa rin namin maitago ang kaba.

Nasa Wagon Corporation ako ngayon at abala na sa mga gawain, paroo't parito ako, pabalik balik sa dalawang company at kahit napapagod ay tuloy pa rin sa pag t-trabaho.

"Tingin mo, sino ang mananalo?" Tanong ni Lawless nang nakatingin sa aming lahat.

Ipinatong ko ang ulo ko sa armrest ng sofa at tsaka minasahe ang sintido, kung sino man ang manalo sa kanila dalawa ni Faughn at Rhyle, paniguradong para rin iyon sa kapakanan ng mga Organization namin.

"We cannot underestimate the both organizations, Lawless. We all know we both have the power that can destroy one's another organization." I said, speaking facts.

Mula sa kabila ay nandoon ang mga nangungunang mafia na dati ay mula pa sa Francia, kami naman ay nangunguna rin sa ibang aspeto at expertise kaya hindi pwedeng i-belittle ang dalawang organization.

No one knows what future holds, baka matalo kami or manalo, but I know, we're doing everything to survive and save this organization.

Sisimulan na ang competition ngayong linggo at totoong lahat ay naghahanda na. Mula sa lugar kung saan gaganapin, mga equipment, at pati na rin ang mga katawan namin ay nakahanda na.

Naalala ko na naman si Copeland at ang sinabi niya, A law maker is also the troublemaker. Tahimik akong napailing.

"Bakit?" Biglang tanong ni Ely na ikinakunot ng noo ko.

"Anong bakit?"

"Basta basta ka na lang umiiling diyan, bahagya pang nakangiti, mamaya isipin ko na lang na may something na sa'yo na hindi maiintindihan nino man." Sabi ni Lawless na nagpa irap sa akin.

Nakangisi lang si Ely at Slora, ang tingin sa akin ay may pag-sususpetya. I rolled my eyes at them sarcastically.

A law maker is also the troublemaker... A rules maker is also the rules breaker. What a deep word, huh, Copeland?

Speaking of the devil, it's been weeks since we saw each other, iyong last meeting pa ang huling pagkikita namin. Mukhang busy din kasi sila sa paghahanda.

"Kinakabahan ka?" Nakangising tanong ko kay Lawless.

Hindi kasi sila mapakali at kinakabahan na baka mapuruhan ulit si Rhyle.

"Haha!" Tawa lang ang nasabi niya na ikinatawa rin naming lahat.

Dumating na si Rhyle at sumeryoso na ulit ang lahat, kinakabahan talaga kami at hindi maiwasang mag isip kung ano ang posibleng mangyari.

Ilang araw ang lumipas.

Ngayong araw na ang simula ng competition, Muay Thai ang unang competition at sunod ay wrestling.

Walang takot ang pinakita ni Rhyle, we're on our way to the ground of Muay Thai, doon sa arenang 'yon gaganapin ang Muay Thai at doon mangyayari ang laban.

Sumakay na kami sa kaniya-kaniya naming McLaren at umalis, sila lang naman ni Cienfuego ang magtutuos kaya lalo akong kinakabahan.

Sunod sunod na humarurot ang aming mga kotse, kasunod namin ang ibang mga tauhan namin na kailangan nandoon din.

Nang dumating kami ay marami ang mga manonood, lahat sila ay chini-cheer ang ulo nilang si Cienfuego, kita ko naman sa kabila ang mga kaibigan nito na si Griffin, Mendel, Fawzi, at Copeland.

Never Again: The Ambiguous Ending (Tres Patroncitas #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon