TRIGGER WARNING: MENTAL HEALTH ILLNESSES AND SUICIDAL IDEATION.
NOTE: THIS CHAPTER MIGHT TRIGGER TRAUMATIC EXPERIENCE, SENSITIVE CHAPTER AHEAD WHICH IS NOT RECOMMANDABLE FOR SOME READERS. READ AT YOUR OWN RISK.
CLAZZO
"I'm so sorry for your loss, Mr. Copeland."
"Sending my deepest condolences, Mr. Copeland."
Iyon ang mga salitang kanina ko pa naririnig, kasalukuyan kasi kaming nasa mausoleum na pinagawa ni Axel noon para lang sana kay Vixton pero ngayon ay may katabi na ito.
Tinignan ko ang dalawang mahabang bloke ng semento, habang nakaupo sa wheelchair at malamig ang hangin. Tila tinatanggalan ako ng hininga.
Vixton Deirdre Klein C. Copeland
Mavourneen Laoise C. Copeland
Mapait akong napangiti, ang bilis naman nila bawiin sa akin. Hindi dapat talaga ako makakasama sa libing pero nagpumilit ako kahit sobrang hina ko pa at walang enerhiya lumabas.
Tinignan ko si Axel na namamaga ang mata, pumayat na siya dahil sa mga problema namin, nagpaalam siya sa mga nakikiramay, karamihan ay mga board of directors at mga supervisor ng company niya.
Nilapitan naman ako ni Quia, may dala siyang pagkain at saka lumuhod sa aking harap, napakandang bata...
"Tita, kumain ka na, please? Wala ka pang kain eh..." Sambit niya.
Kung nabuhay lang siguro si Laoise ay siguradong may kapwa babae na rin sa mga anak namin, kaso... She didn't make it.
Dahan dahan akong umiling at saka hinaplos ang kaniyang pisngi, "Tita..." Basag ang boses niya nang pagod akong tumingin sa kaniya at nagsimula na namang umiyak.
Bahagya siyang tumayo at hinalikan ang aking noo, "Malalagpasan din po natin 'to, kumapit ka lang po..."
Namuo ang maliit na ngiti sa aking mga labi, how can I tell her that this tita of hers is gonna leave them soon?
Sa huli ay hindi niya na ako pinilit kumain, hinayaan niya na lang ako, binigyan niya rin ako ng stress ball para pisil pisilin ko dahil hindi ko na maigalaw nang maayos ang kamay ko.
Muli akong napatingin kay Axel na nasalabas na ng malaking mausoleum, he's now talking to his close business partners, my lips parted when he cries and a girl hushed him by hugging him.
A tear came out from my left eye, I was too cruel towards Axel, he always say I do deserve the world, while him; being miserable just by being with me.
If I deserve the world, Axel deserves it, too.
Nang tuluyan na silang magpaalam at umalis ay bumalik na si Axel sa loob ng mausoleum, he even catch my glaze and chose to ignore it.
Hindi niya pa ako pinapansin mahigit isang linggo na, lagi pa rin naman niya akong inaalagaan, sinasamahan bawat iihi, pinapakain, pero hindi niya ako kinakausap. Kapag wala na akong kailangan ay magyoyosi siya sa labas ng ospital, alam ko 'yon dahil naaamoy ko sa kaniya 'yon.
I heaved a trembling sigh, pinipigilan na naman umiyak.
'Puro iyak, mahina talaga.'
'Walang kwentang ina, pinabayaan ang mga anak.'
'Iiyak ka na lang ba lagi?'
Iyon na naman ang mga boses na naririnig ko, napapikit na lang ako at hinayaang marinig ang mga boses. Kinakain na ako ng konsensya ko dahil nahihirapan si Axel sa akin, hindi ko alam, kahit ako gulong gulo na rin.

BINABASA MO ANG
Never Again: The Ambiguous Ending (Tres Patroncitas #3)
RomanceIn a world full of what ifs, could have beens, and mysteries. Will she be able to stumble upon the truth about her past? Her task is to find her 'purpose' to persist in life, what if she found an ending instead of a purpose? Tifanie Bythesea Chalond...