CAPITULO 26

1.7K 31 6
                                    

CLAZZO

I woke up from the sunray hitting the sliding door of my room, umaga na pala. Wala naman akong gagawin ngayon dahil balak din namin magkita ni Luke.

Ang sabi niya kasi ay hindi raw siya magtatagal dito sa pilipinas dahil may trabaho siya sa ibang bansa.

Si Ely naman ngayon ay busy, marami silang pinagkakaabalahan para sa organisasyon namin.

Tumayo agad ako at dumiretso sa bathroom para mag toothbrush, tinali ko lang ang buhok ko into a messy bun.

Pagtapos ay nag skin care muna at tsaka bumaba na, pupuntahan ko na muna si Rhyle at kakamustahin.

Masyado kasing naiistress ngayon si Rhyle dahil sa unti unting pagkalugi ng mga businesses namin hindi lang sa pilipinas.

Sa France ay unti unti na ring nalulugi ang mga negosyo namin, walang katapusang investigation ang nangyayari sa aming lahat.

Cienfuego and Wagon Organizations are both investigating for this unknown serial killer who never stopped killing the blacklisted men in the country, karamihan sa blacklisted ay nasa organisasyon namin kaya kinababahala namin na baka sa amin sumunod.

Nakakagulat ang paglabas bigla ng serial killer na 'to, kahit ang gobyerno ay todo ang paglapag ng pabuya kung sino man ang makakapag turo kung sino ang killer.

Sunod pa, ang unti unting paglubog ng mga business ng Wagon empire na kasama ng relasyon ni Rhyle at Faughn. Malaki ang epekto no'n sa dalawang organisasyon.

Nabanggit din sa akin ni Axel na pati sila ay apektado mula sa malamig na pakikitungo ng ulo nila na si Faughn.

Isa pa, ang investigation ng case ng magulang ko. Gusto ko lahat ay maresolba na para mabawasan ang sakit ng ulo ko.

Ilang taon pa ba bago ko mahanap ang pumatay sa mga magulang ko? Nagpabuya na ako ng isang daang milyon kung sino man ang nakakaalam ng information ng murderer.

Nang dahil doon ay halos pag agawan na ng mga law firms ang case ng magulang ko. Minsan talaga ang mga abogado ay ginagawa lang ang trabaho nila para sa pera. 'Yon ang totoo.

Marami na ang humawak sa kaso na 'to kaso none of them found the killer. Hindi ko alam kung hindi ba sinasadya na pare-pareho ang dahilan nila o sadyang may humaharang lang sa investigation.

Hindi pa do'n nagtatapos dahil ongoing din ang investigation sa loob ng company, limited na lang din talaga ang mga lumalabas na pera sa aming company at kailangan lahat ay recorded. Pero may nakakalabas pa ring bilyong bilyon na pera nang hindi natutunugan o walang may kaalam alam.

Sana lang ay matapos na ang lahat, hindi ko kasi magawang makapagpahinga at matulog nang mahimbing habang hawak hawak ang mga ganitong problema.

My mind is too weak, at hindi ko kayang isipin lahat nang sabay sabay.

Pumasok na ako sa mansion ni Rhyle and unlike before, it feels too empty. Puro helpers lang ang nakikita ko, tila wala nang nakatira.

Hindi katulad noon na halos bawat umaga ay nandito kaming lahat, seems like everyone is growing up according to plan.

Umakyat na ako sa kwarto ni Rhyle at saka siya kinatok, nang buksan ko ang pinto ay wala na siya doon. Nasa garahe naman ang kotse niya kaya paniguradong hindi pa siya pumapasok or wala pa sa duty.

Sunod akong pumunta sa office room niya, doon ko siya nakita na sapo sapo ang kaniyang noo habang pinapaikot ang ballpen sa kaniyang mga daliri.

"Rhyle," pagkuha ko sa kaniyang atensyon.

Never Again: The Ambiguous Ending (Tres Patroncitas #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon