CLAZZO
I decided to go on a trip with Axel, today.
Nakaligo na ako ang buhok ko ay nakabalot pa sa tuwalya nang may mag doorbell, pagbukas ng pinto ay bumungad si Axel na basa pa ang buhok at naka bathrobe.
Napaawang ang labi ko, he looks so hot with this aura.
"Hi, ask ko lang, anong kulay susuotin mo? At anong style?" Napataas ang kilay ko sa tanong niya.
"Why...?" Tanong ko nang may pagtataka.
"Babagayan ko, hindi naman pwedeng lalabas tayong dalawa tapos magkaiba suot natin, edi nagmukha tayong christmas decors na namamasyal." Sabi niya na ikinatawa ko.
"Sa museums lang naman tayo pupunta eh, I'm about to wear khaki and coffee brown colored na outfit and the style is may pagka uhm... Old money." I replied.
"Okay! Thank you!" Tsaka siya tumakbo papasok sa hotel room niya, ewan ko ba, ang kulit talaga.
Natawa na lang ako bago ko isinara ang pinto, kung sa kakulitan ay akala ko wala nang papantay sa mga kaibigan ko, mukhang nalagpasan pa nga ata ni Axel iyong expectation ko.
Nag make up na ako, inuna ko ang full coverage foundation, sunod ay concealer, at next ay bronzer and countour. I like emphasizing my face when I'm wearing a classy outfit. Sunod ay eyeshadow, eyeliner, at mascara. Sinunod ko ang blush at highlighters, hinuli ko na ang paglalagay ko ng nude and matte lipstick.
Nang matapos mag make up ay sinunod ko ang pag aayos ng buhok ko, pero bago 'yon ay nag setting spray muna ako.
Going back, pinatuyo ko ang buhok ko using a hair blow dryer, at saka kinulot iyon with curling iron.
I smiled when I saw my reflect on the mirror, I look good with this volume.
Tumayo na ako at saka sinuot ang outfit ko, nang matapos ay nagsuot na lang din ako ng versace heels na may pagka-khaki ang kulay.
I sprayed my Carolina Herrera perfume at saka inihanda na ang gagamiting handbag, napatagal ata ako sa pag aayos, naghihintay na kaya si Axel?
Paglabas ko ng hotel room ko ay sumalubong na sa akin si Axel na nakasandal sa pader. Napaawang ang labi ko sa kagwapuhan niya, bonus na lang ata iyong ayos niya. Talagang binagayan niya ang suot ko!
His hair was fixed backwards and some strands of it are falling, his naturally red lips are emphasized, plus the sharp jaw and, long lashes, thick eyebrows, and his amber eyes made him perfect.
Mula sa kinatatayuan ko ay naamoy ko ang pabango na ginamit niya, it was a Calvin Klein perfume, hindi iyon matapang sa ilong, instead, it smells really really good.
"Wow, you look gorgeous." He said while observing the whole me.
"You too, you look gorgeous!" Wala sa sarili kong sabi kaya napahinto siya, hindi ata ineexpect na lalabas sa bibig ko 'yon.
Well, kahit ako! Di ko ineexpect na masasabi ko 'yon, pero ayaw ko naman nang bawiin, totoo naman kasi ang sinabi ko.
"Thank you," His deep but sweet voice sent butterflies to my stomach, hindi ko lang pinahalata.
"Let's go?" I nodded. But without further notice, kinuha niya ang handbag ko from ky hand at siya na ang nagdala, hindi naman na ako nagreklamo.
"We're taking my car." He informed me, well, that's the plan.
Nakasunod lang ako sa kaniya hanggang nakababa na kami, hindi pa kami nakakarating sa main exit ay kita na agad ang ngiti ng guard.
"Naks, nemern, sir! Magdedate ang mag asawa!" Napatawa si Axel dahil doon.
BINABASA MO ANG
Never Again: The Ambiguous Ending (Tres Patroncitas #3)
RomanceIn a world full of what ifs, could have beens, and mysteries. Will she be able to stumble upon the truth about her past? Her task is to find her 'purpose' to persist in life, what if she found an ending instead of a purpose? Tifanie Bythesea Chalond...