CLAZZO
Natapos na kaming kumain at umakyat na rin si Kaede para matulog, pinag toothbrush muna siya ni Ellena at saka bumaba na ulit si Ellena nang nakatulog na si Kaede.
Andito ako ngayon sa dirty kitchen, umiinom ng beer habang nakikipag kwentuhan kay Ellena at Edna.
"Inom tayo ngayong gabi, madame!" Aya ni Edna na ikinatawa ko.
Sa tagal naming magkakasama parang magkakaibigan na lang kami kung mag usap, minsan nga ay namumura nila ako nang hindi sinasadya pero okay lang sa akin.
"Sige, pero 'wag masyadong magpakalasing ha, kahit weekend bukas ay dapat drink responsibly kahit dito lang sa bahay mag iinom. Iwas na rin ang exposure ng alak kay Kaede." I replied, napapalakpak naman sila dahil sa tuwa.
Siguro madalas, kapag friday ay nag iinom talaga kami pag tulog na si Kaede, sa akin sila natutong uminom ng Tequila, Bacardi, Black Label, Rum, Jager, at Smirnoff. Nalasing sila nang todo noong una at kampucha, ako pa ang nag asikaso sa kanilang dalawa.
Nang matapos na maglinis ang dalawa sa dirty kitchen ay hinanda ko na ang black label na iinumin namin, naglabas naman ng crackers si Ellena para sa pulutan daw.
Sa labas kami ng bahay pumwesto, sa may backyard kung saan tanaw ang dagat, may ilaw naman dito at maayos, may wooden table at chairs kaya okay lang.
Agad na dumampi sa akin ang malamig na hangin, buti na lang ay may scarf ako para kahit papano ay hindi ako lamigin.
Umupo na sa harap ko ang dalawa, nagsimula naman akong salinan ng liqour ang mga baso nila.
"Madame, pwede ko bang malaman kung ano ang trabaho mo noon?" Edna started to ask.
I chuckled, "Hindi ba sinabi ko na sa inyo? I was a CEO and President of Clazzo group of companies but unfortunately, nalugi iyon dahil sa fraud na kaso. Until now ay hindi ko pa rin kilala kung sino ang suspect."
Mahigit isang dekada na pero fresh pa rin sa utak ko ang bawat detalye kung paano unti-unting bumagsak ang company na pinaghirapan ng parents ko. Para sa akin ay isa iyon sa mga dahilan ng pagkalugmok ko sa kalungkutan.
"May chance po ba na mabawi or makapagpatayo ulit kayo nang ganoong kalaking kumpanya?" Tanong naman ni Ellen at saka ininom ang alak na nasa baso niya.
I also took a sip on my liqour before answering, "Building a huge company like that will a huge challenge for an individual lalo na kung magsisimula na naman sa zero, tsaka... Baka mawalan na ako ng oras kay Kaede kapag nagsimula ulit ako sa gano'n, kaya siguro 'wag na." I replied.
Ang malamig na hangin ay tinatangay ang aking buhok, nakatanaw lang ako sa dagat na mapayapang humahampas sa dalampasigan.
"Bukod sa pagiging CEO ng malaking Company, Madam, ano pa trabaho mo noon?" Tanong ulit ni Edna.
"Wala na." Pagsisinungaling ko.
"Madam, may aaminin po sana ako." Sambit ni Edna na ikinataka naming dalawa ni Ellen.
"Natuklasan ko po ang secret room sa kwarto niyo rin habang naglilinis ako noong nakaraang araw, naka off ang passcode kaya nakapasok ako. Doon ko po nakita ang maraming baril, katana, sniper, shotguns, at kung ano ano pang ginagamit sa pagpatay." And there, I suddenly got chills in my veins.
I pursed my lips, "Sorry po kung pumasok ako nang walang permission niyo, nadala po ako ng curiosity eh, sana 'wag niyo po ako tanggalin sa trabaho kasi alam kong wala nang ibang tatanggap sa akin." Malungkot na saad ni Edna.
I chuckled, I took another sip on my liqour, "Alam mo, if I am still the cruel person I was a decade ago baka nga tinanggal na kita at binaril pa." Pag amin ko.
BINABASA MO ANG
Never Again: The Ambiguous Ending (Tres Patroncitas #3)
RomanceIn a world full of what ifs, could have beens, and mysteries. Will she be able to stumble upon the truth about her past? Her task is to find her 'purpose' to persist in life, what if she found an ending instead of a purpose? Tifanie Bythesea Chalond...