CLAZZO
"Argh! My head ache!" Unang reklamo ko when I woke up because of the harsh light that is coming from the sliding door of the room's balcony.
Teka, where am I?! My room?! Ang mga kaibigan ko!
Agad akong napabangon at pilit na tumayo, nahilo lang muli tuloy ako kaya napahiga ulit ako sa higaan, sakto namang bumukas ang pinto at niluwa no'n ang lalaking naka sweatshirt na itim at sweatshort na gray. May dala rin itong tray kung saan nakalagay ang isang bowl of food, milk, water, and sober pills.
"How's your feeling? It's already two in the afternoon, alas sinco na tayo nakauwi kanina." Malambing na saad ni Axel at umupo sa tabi ko.
Doon ko lang napansin na I wasn't wearing my dress anymore, I feel fresh at wala nang suot na makeup, wala na rin ang accessories, at bahagyang hindi na nalalasahan ang alak.
"You took care of me?" Taka kong tanong.
He chuckled, "Bakit parang nagtataka ka pa na inalagaan kita? Simula pa noong una inaalagaan na kita, Bythesea."
I shook my head, "No, I mean... I am grateful you took care for me, I was just shock, you knew where I was kaya nagawa mo'kong alagaan." I replied politely.
"You were able to call me despite of being drunk kaya ayon, we immediately went to that bar at naabutan kayong lahat na halos patay na." He replied.
"Hoy, hindi ah!" Tanggi ko agad.
Kumunot nang bahagya ang noo niya at inabot sa akin ang tubig para inumin, "Anong hindi? Nakalimang black label nga kayo, lakas ah."
Doon naman kumunot din ang aking noo, "Anong lima? Nakatatlo lang talaga kami."
"Anong tatlo? Naabutan namin kayong halos wala nang buhay, 'yung bote ng mga black label ay wala ng laman, lima 'yung nakita naming wala nang laman tapos may mga tequila pa na bawas." Pagpapaliwanag niya.
Lalo lang tuloy sumasakit ang ulo ko kapag pilit kong inaalala kung ano ang nangyari kagabi.
"Halika, kumain ka muna. Wala pang laman 'yang tiyan mo, eh." Muli akong pinaupo ni Axel at akmang susubuan.
Aagawin ko sana sa kaniya ang utensil pero siya na ang nagpresinta na subuan ako hanggang sa maubos ang pagkaing niluto niya pa para mismo sa akin.
"I'm sorry, hindi na natin naipasyal si Kaede sa Amusement park." Paghingi ko nang tawad.
Ngayong araw talaga dapat ang alis namin kasama sina Ellena at Edna papuntang amusement paro dahil alas dos na ako ng hapon nagising at may malala pang hangover ay mukhang hindi na kami makakaalis pa.
"It's fine, may bukas naman." He smiled at me and continuously feeding me.
Nang matapos niya akong pakainin ay pinainom niya na sa akin ang water at saka anv sober pills para raw hindi na masyadong sumakit ang ulo ko at mahilo.
Hindi ko na nagawang makita man lang ang anak ko dahil muli akong tinamaan ng antok.
It's nine in the evening.
Nandito lahat sa mansion ni Axel ang mga kaibigan namin with their sons and daughters, nauna nang pinakain nika Ellena at Edna ang mga bata kaya kami na lang ang kumakain sa dining area habang ang mga bata ay naglalaro ng billiards sa taas.
"Sakit pa rin ng ulo ko, pucha." Sambit ni Slora na ikinatawa ko.
Kahit pa sobrang disastrous ng nangyari sa amin last night ay mukhang iyon pa rin ang pinaka the best na night out na nangyari sa buong buhay namin.
BINABASA MO ANG
Never Again: The Ambiguous Ending (Tres Patroncitas #3)
RomanceIn a world full of what ifs, could have beens, and mysteries. Will she be able to stumble upon the truth about her past? Her task is to find her 'purpose' to persist in life, what if she found an ending instead of a purpose? Tifanie Bythesea Chalond...