Chapter 22 [FLASHBACK]

842 33 11
                                    

Sobrang sakit na halos hindi ako makahinga. Nawala rin ako sa sarili at tanging iyak lang ang nagawa ko hanggang sa libing ni mama. Mga malalapit na kaibigan ang nakiramay sa amin, at nagbigay tulong sa gastos pampalibing, dahil wala akong pera.

Gustuhin ko man na magsampa ng kaso pero mas malakas ang batas para sa mga mayayaman, isa pa ay may finger print ni mama ang naroon sa baril at kung buhay si mama ay nakakulong din siya at naghihirap. Pero malinaw na inagaw noong guard nila ang baril kaya natamaan si kuya Zaint, kaya inosente si Mama.

Pero si mama, sinadya nilang pinatay.

Matapos ilibing ni mama, wala akong naging balita kay papa. May isang lawyer ang lumapit sa akin at ibenenta na ang bahay namin sa bangko. Kaya napilitan akong makitira sa kamag anak namin.

"Saji, pagkatapos mo linisan iyan, ito susunod. Hindi ka kakain hanggat hindi mo natatapos ang paglilinis!" utos ng tiya Esme ko, pinsan ni mama.

"Saji, pakilabhan ito pagkatapos mo dyan! Pakibilisan din dahil magluluto ka pa, bibihisan mo pa ng diaper si Junior!" sigaw nung pinsan ko.

"Opo,  ate saglit nalang ito."

"Pinapalamon ka na rito, ang bagal bagal mo pa!" sigaw ni tiya Esme at ibinato pa sa akin ang isang kahoy, tumama iyon sa balikat ko. Pero imbes na mag-reklamo ay hinayaan ko nalang sila.

Wala akong ibang mapuntahan kaya napilitan akong makitira sa kanila, kahit pa alipin ang turing nila sa akin ay nag-titiis ako. Saglit akong nahinto sa pag-aaral dahil wala akong pera.

"Saji, kumusta ka na? Ang payat payat mo na, kumakain ka pa ba?" tanong sa akin ni Luke.

Matapos ang ilang buwan ay nahanap nya rin ang bahay na tinutuluyan ko. Nagsumikap siyang hanapin ako para alamin ang lagay ko. Pangalawang beses nya na ring dumalaw sa akin. "Hindi na nga eh, salamat sa tinapay mo ah, gutom na gutom na talaga ako."

Tinitigan nya ako ng ilang sandali, tingin na may halong awa. "Hinahanap ka nila pastor, pinaabot nila ito." sabi nya at binigay sa akin ang isang sobre na alam ko ay pera ang laman.

"Salamat, pero hindi ko matatanggap iyan."

"Saji, naman! Umayos ka nga, kailangan mo ito para matapos mo ang highschool!" inis na sabi ni Luke sa akin.

Nahinto ako sa pagkain. "May balita ka ba kay Sam? Sinabi mo ba sa kanya kung nasaan ako, may balita ka ba kung saang hospital si Kuya Zaint?" sunod sunod kong tanong.

"Puwede ba, Saji? Even just for once, huwag mo nang alamin ang tungkol sa kanila!" sigaw nya sa akin.

"Sinusulatan ko si Sam, pero hindi siya sumasagot." malungkot kong sabi. Sandali akong tiningnan ni Luke.

"Gusto mo ba talagang malaman ang totoo?" inis nyang tanong sa akin.

"Kumusta siya? Nakikita mo pa ba siya sa simbahan?" tanong ko.

"Matagal na akong hindi nakakapunta sa simbahan, pero nung magkita kami ni Pastor, sinabi nya na ikakasal daw si ate Sam at kuya Patrick, bago lumipad pa ibang bansa."

"Ano? Hindi puwede, impossible hindi ako iiwan ni Sam-" nahinto ako nung magsalita si Luke.

"Saji, huwag ka ngang martyr, namatay si Tita Zanny dahil sa mommy nya, nasira ang pamilya niyo dahil nang gulo si tita Sarina! Nag aagaw buhay si Kuya Zaint hanggang ngayon dahil sa mama mo? And you still think na okay pa kayo?!" sigaw nya sa akin, napayuko ako at umiyak.

"Pero walang kasalanan si Sam, I can't blame her."

"Saji, kapatid nya si kuya Zaint, tatay nya ang inakala mong ama mo, nasira rin ni tita Zanny ang pamilya nila. Complicated na ang mundo sa inyong dalawa, and you still think na iisipin pa nya ang tungkol sa inyong dalawa?!" sigaw nya sa akin.

Knock Again, Professor [GL• #1]Where stories live. Discover now