Chapter 7 [FLASHBACK]

4.6K 135 13
                                        


Napabuntong hininga nalang ako; nilingon naman ako ni Luke. "Hoy, ang baho ng hininga mo ha!" pang aasar niya sa akin. "Bakit kanina ka pa, parang disappointed dyan?! Hindi ka na ba masaya sa buhay?" dagdag niya pa.

"Gusto ko kasi maging ka-close si Ma'am Sam, pero mukhang malabo iyon mangyari." malungkot kong tugon. Tumingin naman siya sa gawi nung tinutukoy ko at tumango ito.

"Oo talaga, ikaw hampaslupa, siya nakakataas, tsaka tingnan mo naman oh, iyong mga may kaya (mayaman)  sa youth lang ang may lakas ng loob lumalapit sa kaniya." nahinto ito sandali at ako naman ang tiningnan. "Kung gusto mo siyang lapitan ay pupwede iyon, Saji. Pero ang pangarapin na maging kaibigan siya ay itulog mo nalang, dahil imposibleng mangyari iyon." natatawang sabi niya sa akin.

Inirapan ko siya. "Mas hampaslupa ka sa akin, Luke!" Sabi ko at kinurot siya, gumanti naman ito nang pitikin niya ako sa aking noo.

"Aray, putcha ka!"

Tumawa nalang ito at natuon na ang atensyon sa pila, kaya natahimik nalang din ako at hindi na muling nilingon ang grupo kung nasaan si Ma'am Sam.

Sa ilalim kami ng punong mangga kumain ni Luke dahil mahirap kumain nang walang lamesa. Tanging monoblock lang kasi ang afford ngayon ng parokya, ang nag-iisang lamesang mahaba naman ay para sa mga mahahalagang tao gaya ni Pastor Nuel.

May sementadong lamesa rito at upuan, ngunit medyo ilang hakbang na ang layo mula sa tent kung saan naroon ang ibang mga kumakain. Tahimik dito at mas mahangin.

"Hoy, pahingi ngang tubig." utos ni Luke sa akin.

"Kumuha ka roon ng sa'yo!" pagdadamot ko sa kanya at inilayo pa ang tubig sa kanya, nilipat ko ito sa kabilang lamesa.

"Hoy, dali na kasi! Mamatay na Ako!" nahihirapang sabi niya.

"Sige, mamatay ka lang. Ako na bahala sa kape sa burial mo." ngising sabi ko.

Pero hindi siya sumagot. Medyo naalarma naman ako dahil namumula na siya.

"Nabubulunan ka ba?" Takang tanong ko at agad agad na binuksan ang tubig at iniabot iyon sa kanya. Nang inumin niya iyon ay paubos na at nakita kong sumilay sa labi niya ang nakakalokong ngiti.

"Yiee, takot ka pala mamatay ako ha." Sabi niya at tumawa.

Agad ko siyang binatukan dahil uma-acting lang pala siya para maka-inom ng tubig ko. "Hayop ka, inubos mo tubig ko!" gigil kong sabi sabay tumayo at naglakad paalis.

"Kunan mo rin ako ah." Natatawang habilin niya pa.

"Bahala ka, mamatay ka sa uhaw!" sigaw ko naman.

"Dali na, babantayan kong 'di dumapo ang langaw sa pagkain mo." he shouted, but I didn't look back.

Tuloy tuloy lang akong lumakad patungo sa tent para kumuha ng bottle mineral namin. Ang lahat ay busy pa rin sa pagkain at pag uusap.

Tinanaw ko ang lamesa kung nasaan sila Pastor at nakitang wala roon si ma'am Sam. Inilibot ko ang tingin sa paligid at nanlumo dahil baka umuwi na ito.

Pumunta ako sa likod ng tent dahil nandoon ang cooler kung nasaan ang tubig. Lumakad ako patungo roon, at nung kabubukas ko pa lang ng cooler nang may isang mas bata sa akin ang lumapit.

"Ate, Saji Pahingi Po?"

Tinignan ko ito ng maigi at nakitang iyong batang pinsan pala ni Luke. Hindi ko agad ito napansin, akala ko ay ibang bata. Nasa pitong taong gulang palang ito at siya ang pinaka batang member ng youth ministry.

"Oh, sure." agad akong kumuha ng isa. "Ito oh." 

"Ay, ate pwede po dalawa? Nahihiya po kasing kumuha iyong kaibigan ko." nakanguso niyang sabi.

Knock Again, Professor [GL• #1]Where stories live. Discover now