Chapter 9 [FLASHBACK]

4.7K 109 19
                                        


Nakaupo ako sa bench malapit sa labas ng simbahan at masayang, nag sketch, while singing when I met you of the Apo hiking society. I was genuinely happy while sketching the woman I hope to see once again.

"Hoy, Saji!" 

Sigaw ni Luke kaya agad kong itinago ang sketch pad, but he seems to have noticed that I intentionally hide my sketch pad behind me. "Sino iyon, huh?" he suspiciously asked.

"Secret, no clue tae mo may glue na medyo blue." sabi ko at nag-bleh pa sa kanya na labas ang dila.

"Patingin ako, Saji!" sigaw ni Luke at lumapit pa talaga sa akin, lumayo naman ako at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa sketch pad ko.

"Ayaw ko nga!" sabi ko at tumakbo palayo sa kanya. Ngunit agad ako nitong nahabol kaya nahila niya ang aking damit at naabot niya ako. "Aray, putcha ka!" sigaw ko sa kanya.

"Eh, patingin nga kasi ako, ang damot mo naman!" natatawang sabi niya at kiniliti pa talaga ako sa aking leeg. Nanghina ako at napaupo sa may sahig ng entrance ng simbahan. Nakuha niya ang sketch pad ko at agad na tumakbo agad naman akong tumakbo at hinabol siya. Hinabol ko naman ito, ngunit bigla akong may natapakang ugat at natalisod ako, parang nag-dive pa ako kaya masamang tumama ang tuhod ko sa sementadong parte. Hindi naman ako agad nakakilos dahil ininda ko ang sakit sa tuhod. Nabali 'ata tuhod ko?

I saw Luke panicked naitapon pa ang sketchpad ko kung saan and he immediately ran towards me. "Hoy, Saji! Ba't naman nag-dive ka sa walang tubig?!" pagalit na sabi niya at agad akong tinulugan makaupo.

Inirapan ko siya. "Ikaw kasi, ba't mo kinuha sketchpad ko?" panunumbat ko naman sa kaniya.

"Sorry, hindi ko naman ginustong madapa ka." malumanay niyang sabi at mababatid doon na sincere talaga siya. Inalalayan niya akong makapasok sa tabi ng simbahan kung nasaan ang ilang mga matatanda.

"Oh, napaano iyan?" tanong nung matandang babae na madalas na nagluluto kapag may kainan sa simbahan.

"Nadapa po, may first-aid po ba kayo riyan?" tanong ni Luke sa kanila.

Lumapit naman sa amin iyong isang matanda ring lalaki na may dala dalang Alcohol at ibinuhos iyon sa dumudugo kong tuhod. Napadaing naman ako sa sakit.

"Ay dahan dahan naman po, sir." nag-aalalang sabi ni Luke.

Masama kong tinignan iyong matanda, pero hindi nito nakita ang masama kong tingin. Grabe naman siya, ano akala niya sa akin manhid?

"Bakit ba kasi kayo naghahabulan? Alam niyo namang busy tayong lahat sa paghahanda ng simbahan, imbes na kayo tumutulong sa paglilinis ay nakuha niyo pa ang maglaro!" pagse-sermon sa amin nung matanda.

"Hindi naman po kami naglalaro." pagbulong ni Luke.

"Oh, ba't nadapa ito kung hindi kayo naglalaro?!" inis na sigaw sa amin nung matandang lalaki.

Palibahasa wala ngayon si Pastor Nuel ay sinisigawan niya na kami. "Pasensya na po." Me and Luke apologize.

"Ay, siya maglinis kayo ng simbahan dahil may misa mamaya at may mahalagang bisita tayo!" utos naman nung isang babae na taga-salmo rin kapag wala ako.

Lumabas kami ni Luke, at tinungo ang simbahan. "Hoy, sorry talaga ah," he said while we were walking.

"Dumugo na, wala na magagawa sorry mo." sabi ko at pinunasan ang maraming dugo sa tuhod. He looks really guilty, kaya siniko ko siya. "Hindi naman masakit, don't worry." ngumiti pa ako sa kanya.

"Alalayan na nga kita!" Sabi niya at hinawakan ako.

"Tanga, nadapa lang ako pero hindi pa naman ako pilay, I'm fine." sabi ko at lumakad na.

Knock Again, Professor [GL• #1]Where stories live. Discover now