Chapter 18 [FLASHBACK]

3.7K 134 8
                                        

Nasa cottage ang lahat at masayang nagme-meryenda ng iba't ibang kakanin, minatamis, at iba pang inihanda ng mga namamahala sa simbahan. Si Pastor ay masayang kumakanta, tudo cheer naman sa kaniya ang mga mamatanda maging ang ilang kabataan, kahit pa lampas na siya sa akmang tono nung kanta ay tuloy pa rin sa pag-awit.

Katabi ko si Luke at isang bangko lang ang pagitan at ang layo namin ni Sam, kaya paminsan minsan ay inaabutan ko ito ng mga pagkain mula sa banda ng aming lamesa, siya naman ay tuwang tuwa na kinukuha iyon mula sa akin.

Hindi ko halos mapansin ang ibang tao sa paligid dahil tanging nasa kaniya lang ang tingin ko. Kahit pa minsan ay sini-siko na ako ni Luke dahil masyado na raw akong obvious at baka magtaka na ang iba sa mga ikinikilos ko at ni Sam.

"Hoy, mamaya labas tayo, may mga tindang souvenir sa labas, bili tayo..." bulong ni Luke sa akin.

"Sige." tipid kong sagot at muling binalingan ng tingin si Sam.

"Bilhan mo rin sila tita Zanny. Ubusin natin iyong sampung libo." natatawang wika niya.

Lampas pa nga sa sampung libo ang napanalunan namin, dahil double-in daw ni Patrick iyon gaya nung sinabi niya kapag natalo sila, pinaghati-hatian namin ang limang libo at iyong tirang isang libo naman ay bahala na kaming maghatihati ulit. Natutuwa naman ako na nanalo kami dahil bukod sa pera ay may isa pa akong makukuha na price, mula kay Sam, which made me feel so excited.

"Saji, paabot naman nung suman." rinig kong utos ni Keione na nasa tabi ni Luke.

Tinignan ko ang mga nasa lamesa at kinuha ang puto at tsaka inabot iyon sa kaniya. Napataas ang kilay nito sa akin. "Hoy, suman hindi puto! Lutang ka ba?" natatawang tanong niya nakita tawa naman si Luke at siya na ang kumuha nung ipinaaabot ni Keione.

"Ay, sorry." tipid kong sabi at muling tinignan si Sam.

"Hoy, patay na patay lang? Nagiging lutang ka kakatitig kay Ma'am, iwas iwasan mo ang bisyo na 'yan, Saji! Delikado ka na." He said then chuckled.

"Eh, ang ganda naman kasi." Bulong ko pa at pawang katotohanan. Akmang isusubo ni Sam ang rambutan nungmaling siya sa akin at nagtaas ang kilay. "I know right," she confidently said and even wink at me.

"As you should, darling." I mouthed the last word dahil baka marinig ni Patrick o nang sino man.

"Harapan harapang pakikipaglandian talaga? I'm hurt, Saji." madrama na wika ni Luke kaya siniko ko siya.

"Hoy, Saji! Iyong kanta ko! Utang mo sa akin." sigaw ni Deon. Na dahilan upang maagaw ang atensyon ng lahat at mapunta sa akin ang tingin. Saktong pagsigaw kasi ni Keione ay huminto rin ang Videoke. Siya nga pala ang sumagot sa pustaan namin at bilang bayad ang pagkanta ko.

"Ay, oo nga pala! Kumakanta nga pala si Saji, example nga dyan mga sampung kanta lang!" pagdagdag naman ni Keione.

"Hoo, kakanta na iyan!" sigaw ni Isabelle.

"Saji, puwede ka bang kumanta para sa amin?" masuyong sabi ni Pastor at ngumiti pa sa akin.

Tumango ako bilang sagot.

"Go, baby!" sigaw ni Luke at kay Sam ako agad na tumingin, at tama ng na masama ang tingin nito kay Luke.

Ako naman ay nahihiyang tumayo at lumakad malapit dun sa Videoke. Inabot naman sa akin ni Pastor Nuel ang microphone. I cleared my throat first, bago nagsalita. "Oum, a-ah anong kanta?" nahihiya kong tanong.

Sumigaw naman sina Keione, Isabelle, Deon, at Luke ng mga suggestions nila, sa sobrang ingay nila ay wala na akong narinig pa. "Hoy, ako lang dapat mag-suggest, utang sa akin ni Saji iyon!" pag-aawat ni Deon sa kanila.

Knock Again, Professor [GL• #1]Where stories live. Discover now