Chapter 15 [FLASHBACK]

4.1K 101 15
                                        


"Where have you been?" Galit na tanong ni Kuya sa akin.

"Sa orphanage lang po kuya." pagsasabi ko ng totoo.

I was confused why he was mad. Gayong hindi rin naman ito ang unang beses na late akong umuwi sa bahay. He was intently looking at me with furrowed brows, that made me gulp.

"This will be the last time na uuwi ka ng ganitong oras!" he shouted, which made me startled.

"Kuya, ano bang problema mo? Hindi lang naman ito ang unang pagkakataon na ganitong oras ako umuwi eh. Tsaka mas malala ka pa magalit kay Mommy." inis ding sagot ko sa kaniya. Akala ko ay mababawasan ang galit sa mukha niya dahil sa sinabi ko, pero mas lalo lang siya nagalit.

"Delikadong umuwi ng ganitong oras, Saji! At isa pa, hindi ko na gugustuhan ang pagsama mo sa Samara na iyon!" He shouted.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. How did he know that? For the past years, ay hindi ko naman nabanggit ang totoong pangalan ni Sam sa kanila.

"How did you know her?" Takang tanong ko.

"It doesn't matter!" sigaw niya sa akin.

It made me more curious. Muling bumalik sa alaala ko ang naging unang pagkikita namin ni Sam noon sa simbahan, pero hindi niya ako napansin dahil kay kuya Zaint lang ang tingin nito. Ever since then, ay na-question ko na iyon, pero sa paglipas ng panahon, ay nawala rin sa isip ko.

But now? It made me curious even more.

"Tell me, kuya Zaint! How did you know her?" muli kong tanong I saw how Kuya frustratedly brushes his hair. It was the first time that he got this mad at me, kaya kinakabahan ako sa mga reaksyon niya at sasabihin sa akin.

"She...that woman...she is, oh, fvck, you don't have to know!" inis niyang sabi sa akin.

Nanginginig ang aking kamay dahil sa itsura niya ngayon. He hides something from me. "Kuya?" pakiusap ko.

Umiling lang siya at inis na napahilamos sa mukha. "The less you know, the better. I'm sorry, sis. I shouldn't have shouted at you, and forget it, I'm sorry." Sabi niya at agad akong niyakap.

Ilang araw ang nakalipas simula noong mangyari ang eksena na iyon. Ipinagpatuloy ko ang pagsama kay Sam, kahit pa ayaw ni kuya Zaint, hindi ko nalang sinasabi sa kaniya na nagkikita kami sa simbahan. Hindi ko na rin nabanggit kela mommy na nag-talo kami ni Kuya dahil ayaw ko rin na mag-alala sila.

Hindi pa nga rin sila umu-uwi mula sa trabaho ni Dada sa manila. Isang buwan na rin silang hindi tumatawag sa amin. Kaya kinakabahan at natatakot ako para sa kanila.

"Hoy! Tulala ka na naman diyan?!" sigaw ni Luke sa akin.

"Eh, kasi inaalala ko sila Dada at Mommy."

"Ay sus, ako nalang isipin mo para hindi ka na malungkot." pambobola ni Luke.

Masama ko siyang tinignan at binato ng seeds. "Alam mo ikaw? Hindi ka talaga nakakatulong, tapos ang landi mo pa!"

"At least pogi naman, pero ano ba kasing prinoproblema mo? Uuwi rin iyon sila, kaya chill ka lang." nakangisi niyang sabi.

Nakatambay kami sa labas ng simbahan habang naghihimay noon mga seed ng sunflower dahil gagawing pananim ni Pastor Nuel sa garden ng simbahan.

Nung matapos kami ay sakto namang dumating si Sam, kaya natuwa ako, pero hindi ko inaasahan na may iba pa pala siyang kasama.

"How are you?" bungad na tanong niya sa akin.

Knock Again, Professor [GL• #1]Where stories live. Discover now