"Saji, mag-iingat ka roon ah." habilin sa akin ni Dada, he even pulled me and hugged me tight.
"Opo." I politely answered and tapped his back.
"Kababalik lang namin ng Dada mo, ikaw naman itong aalis." malungkot na sabi ni Mommy.
Lumapit ako kay Mommy at ngumiti sa kaniya. "Mom, don't worry, dalawang araw at isang gabi lang naman po ako roon, and safe po ako roon, kaya," tinignan ko sila isa isa. "Huwag na po kayong mag-alala sa akin. Marami po kami run, kaya huwag na po kayo mag-overthink."
Si kuya Zaint ay seryoso lang na nakatingin sa akin. "Enjoy and be safe there, sis," he said while caressing my back.
"I will, Kuya."
Nasa labas kami ngayon at hinihintay ang sasakyan na ni-rent namin ni Luke dahil sabay kaming pupunta sa resort. Kanya kanya kasi ang transportation, and he invited me to go with him.
"May pera ka pa ba, anak?" tanong ni Mommy.
Ngumiti ako sa kanya at nagpa-cute. "Hihihi."
Umirap si kuya Zaint at inilabas ang wallet niya, kumuha siya roon ng five hundred. "Here, pocket money mo lang." abot ni Kuya sa akin.
Nakangiti ko iyong tinanggap ko. "Ehe, thank you, Kuya." magiliw kong wika at agad na inilagay sa wallet iyon dahil baka magbago pa ang isip niya.
Sunod na nagsalita si Mommy. "Libre ba ang pagkain doon?" tanong niya.
"Opo, entrance fee lang ang hindi, ang hotel din po roon ay libre na." malumanay kong paliwanag. Si Patrick ang sumagot ng hotel fee, siya rin kasi ang nakaisip na mag-outing ang mga active youth ministry.
"Ito anak, in case of emergency." sabi ni Dada at inabot sa akin ang dalawang libo. Nanlaki ang aking mga mata at umiling sa kaniya. "Oh, bakit?"
"Ayos na, Dada. Huwag na po, may pagkain naman po roon." nahihiya kong sabi, totoo rin na ayos na ang binigay ni Kuya sa akin.
Napangiti si Dada at muling itinago ang pera. "Hayst, ang tipid talaga ng anak ko." Sabi niya, napahinga naman ng malalim si Mommy, kaya muli ko siyang nilingon. "Mom, I'll be okay, uuwi pa po ako," I assured her.
"Huwag lalangoy sa malalim-" nahinto siya nung may humintong van sa harap namin. Lahat kami lumingon doon.
"Oh, ito na pala sila!"
Bumukas ang pinto ng van at bumungad si Luke na, naka sunglasses pa talaga at naka floral polo, muntik na kami maging couple dahil same na daisy ang bulaklak ang design, iyon nga lang ay black ang kanya samantalang white ang akin.
Lumabas si Luke. "Hi, mommy and Daddy!" masigla niyang bati sa mga magulang ko at agad na lumakad papalapit sa kanila para magmano. Napataas ang kilay ko. "Ang kapal ah!"
"Oh, andito na pala si bayaw." seryoso ring wika ni Kuya pero nakaka-asar iyong sinabi niya.
"Hi, future brother in law!"
"Kadiri ha!" reklamo ko naman.
Ngumisi sa akin si Luke, and he dramatically removed his sunglasses. "Oh, dear. Itinatanggi mo na ba ako? I feel so betrayed." Sabi niya ay may pa hawak pa talaga sa dibdib niya.
Inirapan ko lamang siya. "Ewan ko sa'yo!"
Muli niyang nilingon ang parents ko. "Mister and Mesdames, maari ko na ho bang hingiin ang inyong anak?" magalang na tanong ni Luke.

YOU ARE READING
Knock Again, Professor [GL• #1]
Romance[English/Tagalog] Zsalm Jelani Alcantara Gomez is a very talented, smart, and yet cold and distant student. She always wants to be alone, and she only talks with her noisy best friend, Chanty. Everything about her life is fine, like a fine wine, but...