Chapter 21 [FLASHBACK]

4.4K 93 18
                                        

I came home  after an incredibly joyful day with Sam. It was the most beautiful memory I've ever had in my entire life, aside from the memories with my family. I didn’t want to leave her yet, but she insisted that I should go home.

Nasa may labas palang ako ng bahay namin, at nagulat ako nang makita ang tatlong itim na sasakyan sa labas. Halatang mamahalin ang mga iyon, kaya labis akong nagtaka.

Sino kaya ang may ari nito?

Pinakatitigan kong maigi ang isa sa mga ito, dahil nakita ko na ito sa parokya noon, sa grandparents ito ni Sam. Pero impossible naman siguro na narito sila?

Marahan akong pumasok ng bakuran namin at sa bungad ay nakita ko ang mga naka suit na lalaki, sa gitna nila ang isang may edad na babae na senior citizen their aura screams power ang grandparents rin ni Sam ay nandito bagay na mas ikinagulat ko. Ano ang ginagawa nila dito?

Seryoso ang bawat isa sa kanila, medyo malayo ako kaya hindi ko marinig ang pinag-usapan nila.

Kaharap nilang lahat ang mga magulang ko, si mama na umiiyak si papa na seryoso lang ang tingin doon sa isang babae na kahawig ni Sam. Si Kuya Zaint na nakayuko at minamasahe ang noo. Kahit na lilito ako sa nangyayari ay napatuloy lang ako sa pagpasok sa loob.

Lumingon ang iba sa akin, pero iyong iba ay busy sa seryosong usapan kaya wala halos pumansin sa akin. Lumapit ako kay kuya Zaint. "Kuya, anong nangyayari? Sino sila?" tanong ko kahit kilala ko naman talaga iyong grandparents ni Sam.

"Pumasok ka na sa loob!" sigaw nya sa akin pero imbes na umalis ay nanatili ako sa tabi nya. Sa unang pagkakataon ay ngayon palang ako nasigawan ni Kuya Zaint, kaya alam ko na ang tension na ito ay napaka seryoso.

"After so many years, Sarina? Ngayon mo pa talaga naisipan na guluhin kami?!" sigaw ni Papa doon sa babaeng kamukha ni Sam. Malaki ang pagkakahawig nila because she has the same eyebrows with Sam, maging ang shape ng mukha nila.

"Because in those years, you chose to hide from me, kasama pa talaga ang anak natin!" sigaw din nung babaeng Sarina ang pangalan. Nagulat ako sa sinabi nya, bigla akong kinabahan. Sinong anak ang tinutukoy nya? Si Kuya Zaint ba?

Alam ko na hindi kami same ng mother ni kuya Zaint dahil iyon ang kwento na naririnig ko sa iba, kahit kailan ay hindi ko rin naman naitanong sa mga magulang ko dahil iniiba nila lagi ang usapan. Kaya nagulat ako sa sinabi nung Sarina.

Mas lalong umiyak si Mama, gusto kong lumapit sa kanya pero nanigas ang aking mga paa dahil sa gulat. Naguguluhan ako sa mga nangyayari at the same time naawa kay mama, because she looked so exhausted and was betrayed.

"Nanahimik ako dahil pinili kong maging malaya kasama ng taong mahal ko!" matigas na sigaw ni papa doon sa Sarina.

Sarina gave him a wicked smile. "Oh, really Hector? She was your first love, wala akong duda roon, but we're married!" she yelled back.

"Because you force me to marry you!" sigaw din ni papa sa kanya. Napatakip ako sa aking bibig sa gulat.

Sarina playfully smirked at my father. "talaga bang mahal mo siya or you stay with her because you thought na anak mo ang batang iyan!" sigaw nya sa akin na may halong panduduro pa. Nanlaki ang aking mga mata at nasa akin na ang atensyon ng lahat, parang slow motion na bumagsak ang mga dala kong gamit sa sahig.

"Ano pong sabi niyo?" nanghihina kong tanong pero hindi nila ako pinansin.

"Ano ang ibig mong sabihin?!" tanong din ni  papa sa kanya at mas lumapit pa ito sa Sarina na iyon.

Nanatili naman na nanonood lang ang pamilya ni Sam sa amin, hindi ko mawari kung awa ba iyon o pang iinsulto dahil sa mga nangyayari.

Hindi ko inaasahan na mangyayari ito, dahil kahit minsan ay wala akong narinig na usapan nila Mama tungkol sa bagay na ito. Kaya magkahalong sakit, takot at kaba ang nararamdaman ko ngayon. Bakit kailangang mangyari ito sa amin.

Knock Again, Professor [GL• #1]Where stories live. Discover now