Chapter 42

232 7 0
                                    

"Sigurado ka bang mapagkatiwalaan na 'yong tatlo?" Aquisha asked, doubting. I just told her about earlier. "Zani, kung ayaw nila sa 'yo.. huwag mong ipilit ang sarili mo sa kanila."



"Aki, I can sense their sincerity," I said and smiled at her to give her assurance. "They are kind actually.. I know that they are true. Talagang nadala lang sila sa galit nila sa akin."



"Just don't trust them too much, Zani, don't share your personal too much. You can't read their mind," si Aki. "I am just worried about you.. ayaw ko na sa susunod may iisipin ka naman na problema.. katulad nito."



"I know, Aki." I nodded my head and gave her a peck on her cheek. "Thank you for worrying about me."



The shooting went well. The three did not make any scene. Nanibago pa nga ang iba kung bakit medyo malapit na kaming apat. Kasi sila mismo nina Shania, Issa, at Crisha ang lumalapit sa akin. Kahit si direk ay parang hindi pa makapaniwala, naninibago rin siya.



"Uh.. sorry to ask this but.. okay ka na ba sa kanila?" si Josh nang hindi na nakayanan ang kuryosidad.



I nodded. "Yeah, actually.."



"Ah.." Napakamot-batok siya. "Mabuti kung ganoon, Zani! Sige, una na muna ako. Scene ko na sunod, retouch muna ako," sa halip ay nagpaalam siya at umalis.



Natatawang umiling na lang ako sa kaniya at lalapit na sana sa gawi ng tatlo nang makitang kinakausap din sila ng ibang artista at modelo ay umatras na lang ako.



"Okay na kayo kay Zani?" isa sa mga artista ang nagtanong. "Hindi ba ayaw n'yo sa kaniya? We all hate her here! Nawalan na nga ng kontrata si Cassandra dahil sa kaniya!"



Mariin akong napapikit doon. Sa parte ng kay Cassandra ay wala akong nagawa kasi si direk mismo ang nakakita sa kaniya sa ginawa niya sa akin kaya inalis na talaga siya dahil isang malaking eskandalo iyong ginawa niya.



"Look, Missy, mabait si Zani."



Nagulat ako sa biglang sinabi ni Issa. It did not come up on my mind that she'll defend me without knowing that I am just here! Nilabanan niya pa ang titig ng iba sa kaniya at si Shania naman ay nakipag-head to foot pa.



"Mabait? She's faking it---"



"Kung ayaw n'yo sa kaniya, eh 'di kayo na lang!" sigaw ni Issa na umagaw na talaga ng atensyon ng lahat. Bigla rin natigil ang scene nina Josh at Christof pero hindi niya napansin iyon. "Huwag n'yo na kaming idamay pa!"



"Issa.." si Shania sa tabi niya nang lumingon sa gawi ni direk.



"Zani is now our friend!" patuloy ni Issa, hindi pinansin si Shania. "Kaya kung ayaw n'yo sa kaniya, ayaw rin namin sa inyo!"



"Issa, look!" giit pa ng artista. "Tayo ang nagkakampihan dito, right? Bakit mo naman kinakampihan ang babaeng 'yan?"



"Now I know!" Humalakhak si Issa. "Kayo ang masama rito, hindi siya! Nakakapagsisi namang kinaibigan namin kayo at sa inyo pa kami kumampi!"



"Ano na naman ang problema natin dito?" si direk na biglang pumagitna sa kanila.



I sighed. I thought that the shooting goes well but no.. It is because of me again kaya nagkagulo na naman. Naisipan ko na lang na lumapit. They are defending me, why should I be quiet? Matalim ngayon ang tingin na pinupukol nina Issa sa iba.



"'Yong iba riyan kasi, direk, pinipilit yata na pag-awayin na naman kami ni Zani! Kababati lang nga namin!" si Shania ay sumigaw na rin. "Baka hindi na kami pagkatiwalaan ni Zani dahil sa sinasabi ng babaeng 'yan!"



Memories of the Wind (Passion Series #3)Where stories live. Discover now