"She's too much, Jaxx!" I ranted at him. "I've really had enough!"
Naiiyak na ako sa pagkaka-frustrate ko sa sariling ina. Pinakinggan lang ni Jaxxon ang mga rant ko at niyayakap ako. Kanina ko pa paulit-ulit na sinasabi sa kaniya na sobrang-sobra na iyong biological mother ko. Ilang beses pa siyang bumubuntonghininga at pilit akong pinapakalma.
"Stop stressing yourself out, Zani," is the only thing he can say.
"May ganoong ina ba, Jaxx? Sa isang linggo halos umabot na ng one hundred thousand ang hiningi niya sa akin! Jaxx, hindi ko pinupulot ang pera, pinaghihirapan ko iyon at unti-unti nang nauubos ang pera ko dahil sa kaniya!"
Jaxxon caressed my back. "I'll try to talk to her."
"Huwag na, Jaxx, dahil baka sa 'yo pa siya humingi ng pera.. nakakahiya na," I cut him off. "At isa pa, ilang libo ang hinihingi niya kada-araw, mauubusan ka lang ng pera dahil sa kaniya."
Umiling si Jaxx. "Did you talk to her about this?"
"Sobrang arte niya, Jaxx. I told her na isang libo lang ang kaya kong ibigay sa kaniya sa bawat araw, pero hindi niya raw kayang tanggapin dahil hindi raw iyon sapat."
"Did you tell your brothers about this?"
Napatameme ako sa tanong niyang iyon. I don't know how to answer that question because I haven't talked to my brothers because of what happened last time. Hindi na rin ako nag-abala pang kumustahin sila. Hindi rin naman nila ako kinukumusta o tumatawag man lang sa akin. They didn't care about me anymore.
"Bombshell," malambing na tawag sa akin ni Jaxx.
"Jaxxon, alam mo ang lagay namin ng mga kuya ko ngayon. I cannot talk to them, and I cannot tell them about this," I said.
"Zani, it's been a week. Didn't you miss your parents and brothers? I'm sure they missed you."
Mapait akong ngumiti. "Miss? Jaxx, wala na silang pakialam sa akin!"
"How can you say that?" Kalmado niyang tanong. "Alam mo ba na ilang beses sa isang araw kung tumawag ang mga kapatid at mga magulang mo sa akin? Pati na rin ang mga kaibigan mo?"
Nagulat ako sa sinabi niya. Nagtataka ko siyang tiningnan. He shook his head and looked away. My brothers and parents are calling him? Ibig sabihin ay kay Jaxx nila ako kinukumusta?
"Sabi rin kasi ng mga kapatid mo ay hindi mo rin pinapansin ang texts at calls ng mga kaibigan mo," dugtong niya.
He was right. Hindi ko na pinapansin ang tawag at mga mensahe nina Steris at Ellai dahil sa nangyari. Hindi naman sa dinadamay ko sila dahil alam kong labas na sila sa gulo ng pamilya ko subalit mas pinili ko na lang na huwag din silang kausapin dahil hiyang-hiya ako sa kanila kasi nasaksihan nila iyong pagsagot ko sa kina mommy at daddy.
Every night, my thoughts bug me. I can say that my mother, Yvonne Jo Avelyn, is really different from my biological mother, Jocelyn de Vara. Mommy never treated me like trash. She never asked for money from me or treated me like a maid. Kung sa katotohanan pa nga ay takot si mommy na magpagawa sa akin ng kung ano-ano. I can say that she's always been the best, and I missed her so much.
I want to talk to her and tell her that I regretted talking back to her last time. Si mommy kasi iyong tipo na pinapahalagahan ako na para bang isa akong bagay na maaaring mabasag. Kahit kailan ay hindi naging malupit sa akin si mommy. She treated me like I was really her daughter, kaya hindi kailanman pumasok sa isipan ko na hindi niya pala ako anak. In fact, she's more protective of me than of my older brothers. Mommy makes me special, and she treats me like a queen.
YOU ARE READING
Memories of the Wind (Passion Series #3)
Storie d'amorePASSION SERIES #3: THE WIND Someday, all the wounds and pains I felt will be healed, and even all the scratches that my past has inflicted on me will fade. My memories of someone I love suddenly returned, making me realize that I should accept what...