Chapter 66

126 0 0
                                    

Sa sumunod na araw ay ganoon pa rin ang eksena. Nanatili pa rin ako sa tabi ni Jaxx. Hindi ko siya magawang iwanan at lumalabas lamang ako kung bumili ng prutas para sa kanya at ng makakain naming dalawa dahil minsan ay ayaw niya ring kainin iyong pagkain dito sa ospital kaya minsan ay napipilitan akong bumili ng para sa kanya.

Sa mga nagdaang araw na nanatili ako sa tabi niya, halos walang araw na hindi ako umiiyak, lalo na tuwing gabi.

Dinudurog ako habang pinapanood siya araw-araw na nakahiga sa puting kama.

"Naaalala mo pa ba iyong panahong inaaway kita?" kuwento ko sa kanya isang araw at tumawa kahit wala namang nakakatawa.

He smiled and nodded his head lightly. Naramdaman ko ang luha kong bumabadya sa aking mga mata pero pilit pa rin akong ngumingiti sa kanya dahil ayaw kong isipin niya na masyadong naaawa ako sa situwasyon niya ngayon.

I am trying to hold my tears through smiling at him. Hindi ko talaga maiwasang hindi masaktan sa tuwing tumitig ako sa kanya.

"Inaaway kita noon kasi pansin ko na sobrang healthy na ng relasyon natin," I told him. "Walang gulo at kahit marami mang kumakalat na isyu ay hindi pa rin tayo nagtataluhan. W-We're a perfect couple..." Hindi ko na napigilan ang pagbasag ng tinig ko. "At.. naalala mo pa ba 'yong naglaro tayo ng bowling? Pati iyong naglaro ka rin ng billiard? Naaalala mo rin ba 'yong kumanta tayo? Kinantahan mo pa 'ko ng favorite song ko, ang.. a-ang ganda ng boses mo pa no'n..."

"I-I'm sorry..." His voice was so low.

Umiling ako sa kanya at ngumiti sa kabila ng luhang bumabadya sa aking mga mata. Hinaplos ko ang kanyang mukha nang marahan. May ngiti sa aking labi pero alam kong bumuhos na ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan habang nagkukuwento ako sa kanya.

"Mahal na mahal na mahal kita, Jaxx.. sa kabila man ng lahat."

Kinabukasan ay maagang gumising si Jaxx kaya napagising na lang din ako. Kahapon ay napabisita rito ang mga kaibigan niyang doktor pero hindi rin nagtagal dahil umalis din kaagad.

"How's your feeling?" I asked him.

He smiled a little. "I am.. fine."

I stared at him, memorizing every part of his face. He is lying, I can see it in his eyes. He said that he was fine but his eyes saying otherwise. His eyes never lie. I just gave him a smile.

"I-I'm here, Jaxx.. I won't leave you..." I told him and reached for his hand to hold it. "I promise you that. Even if you're fine or not, I will always be here for you... I-I love you, o-okay?"

My voice cracked while saying those words, and I could feel that a tear escaped from my eyes again. He doesn't have to lie to me anymore because I understand his situation.. I understand him.

"A-Alam mo ba kung bakit gusto kitang makita? K-Kung bakit inutusan ko si Aki na sabihin sa 'yong miss na kita?" he asked.

Kinagat ko ang labi ko at hindi ako nagsalita dahil pakiramdam ko ay nawawalan na ako ng boses kapag nagsasalita ako.

Memories of the Wind (Passion Series #3)Where stories live. Discover now