Chapter 62

91 0 0
                                    

"Doc! The child's pulse is dropping!"



"Let's bring him to the red zone," I commanded, and I helped them with the child.



I was exhausted the whole day. Wala akong ginawa kundi magtrabaho lang, inabala ko ang sarili ko sa trabaho buong araw kahit na kararating ko lang noong nakaraang araw dito sa Manila. Iniwan ko sina Lola Aurelia at Lolo Zeus sa Cadiz Viejo dahil nagdesisyon akong dito magtrabaho.



"How's the operation?" I asked Doctor Degollacion when he passed by my office. "Ang dami nating pasyente nitong mga nakaraan," I noticed while I was arranging my table.



Kumibit-balikat si Rios. "Pansin ko rin pero mukhang hindi naman nakakapanibago dahil araw-araw ay marami naman talagang pasyente rito. Mabuti nga at successful ang operasyon ko kanina, doc."



"Good for you, then," I briefly told him.



"Anyway, talagang hindi magbabago ang isip mo sa pagdodoktor? If I were you, I would rather choose to be a businessman, doc. Kung businessman ka siguro ngayon, baka mayaman ka na. Risk-taker ka pa naman at wise. Ayaw mo talaga niyon?"



Marahan akong umiling. "Hindi ko naman hinangad na yumaman. Ang gusto ko lang naman ay tulungan ang mga taong nangangailangan ng tulong."



He chuckled. "Pero sayang pa rin talaga, doc. Sa pagdodoktor, imagine four years pre-med. You will also take up a National Medical Test, four years med proper pa, one year post-graduate internship, take up a Medical Board Exam, three to five years of residency, which is the specialty training, tapos may two to three years pang subspecialty training. Grabe, doc, ito talaga ang mas pinili mo kaysa sa pagnenegosyo? Ayaw mo ba niyon, doc? Yayaman ka o rarami ang pera mo?"



I arched a brow at him. "Bakit? Mukha ba akong pera?" I asked.



Humalakhak siya. "Wala naman akong sinabing ganoon, pero sayang lang ang oportunidad, doc. At malay mo, kapag tinanggap mo 'yon ay tatanggapin ka rin ni Mr. Suazon."



"He won't," I said. "Kahit ano man ang gawin ko, ayaw niya pa rin sa akin," I stated bitterly. "And one thing, this is my choice. I choose to be a doctor because this is my passion. Hindi rin naman ako interesado sa pagnenegosyo."



"Pero, doc, alam mo naman kung gaano kahalaga ang pera sa panahon natin ngayon, hindi ba?"



"Ang pera, nandiyan lang 'yan," tipid kong sabi.



"Kung ganoon, nasaan?"



Napatawa ako sa tanong niya. Umiling naman siya sa akin, I know that he's joking around. Ganiyan talaga si Doctor Degollacion sa pagkakilala ko sa kanya noon pa man. He loves kidding around, and I am already used to him. Umiling lang ako sa kanya at hindi na nagsalita.



"Kung makapagsalita ka na ang pera ay nandiyan lang 'yan, akala mo mayroon ka. Sige nga ituro mo nga sa akin kung nasaan na ang pera dahil nangangailangan ako niyan," he joked.



Tiningnan ko siya. "Tigilan mo nga ako, seryoso ako."



Sa sumunod na araw ay abala pa rin kami dahil sa sunod-sunod na pasyente. I was busy talking to the receptionist. Nilingon ko kung saan nagmula ang ingay at nakitang may pinagkukumpulan ang mga tao.



I thought it was an emergency, but no.. it was a.. woman?  Hindi ko maaninag masyado ang mukha ng babae dahil pinagkakaguluhan siya ng mga tao. There are also reporters around her. Is she an actress?



Memories of the Wind (Passion Series #3)Where stories live. Discover now