"Zani, gumising ka! You have to explain this to me!"
Naalimpungatan ako dahil sa boses na iyon. Gumising ako at unti-unting bumangon, si Aquisha ang bumungad sa akin na masama ang tingin. Umupo ako sa aking kama at sumandal sa headboard nito. Ngumisi ako nang makitang iritadong-iritado ang manager ko. She's glaring at me and I know why she's acting like this.
"Stop grinning!" suway niya at dinuro ako. "You have to explain this, Zani!"
Humagalpak ako ng tawa nang makitang namumula ang mukha niya dahil sa inis. Pinaharap niya sa akin ang cellphone niya at pinakita iyong larawan namin ni Jaxx na pinost ko kahapon sa social media. Nakita ko ang reacts sa facebook post ko na malapit nang mag-500K at ang comments naman ay 700K above na. Si Aki ay naka-wow react pa kaya mas lalo akong ngumisi sa nakita.
"Zani!" sigaw niya sa pangalan ko at pinatay ang cellphone niya. "You have to explain this to me!" she commanded and put her phone inside her pocket.
"Relax, okay?" Tumawa ulit ako. "Kami na ni Jaxx---"
"What?!" Hindi niya ako pinatapos. "And you did not tell me about this, huh?! Kailan lang, Zani?! Nakakainis ka, kung hindi ka nag-post ng picture ninyo ay hindi ko pa malalaman na kayo na! Ano, ha? Kailan naging kayo? O baka kayo na no'ng umalis ako rito?" Tumaas ang kilay niya.
I rolled my eyes. "Hindi pa kami noon, 'no. Isang linggo pa nga lang naging kami, Aquisha. Saktong kaalis mo lang ay saka na naging kami. We just confessed our feelings and.. that's all." Kumibit-balikat na lang ako.
"Oh God!" Napatauptop siya sa kaniyang bibig, hindi makapaniwala. "Everyone should know about this!" she exclaimed.
"Kaya nga nag-post ako ng litrato namin ni Jaxx, hindi ba?"
Lumapit siya lalo sa akin at niyugyog ang magkabilang balikat ko. Tumitili pa siya habang niyuyugyog ako. Hinawakan ko ang mga kamay niyang nakahawak sa balikat ko at inalis iyon, nahihilo ako sa pagyuyugyog niya sa akin.
"Everyone already knows that he's courting you but---"
"What?"
Bumuga siya ng marahas na hininga, pero sa pagkakataong ito ay kalmado na siya kumpara kanina. "Totoo naman, ah? Ilang beses ka na niyang nililigawan noon pa man pero palagi mo siyang nire-reject kaya ngayon.. marami talaga ang nagulat doon sa post mo. He chased you for years. He also gives you flowers, foods, anything! That's a part of courtship, Zani. Worth it din pala ang ilang taon niyang paulit-ulit na panliligaw niya sa 'yo, 'no?"
I tilted my head. Jaxxon said last time that he wanted to court me without knowing what he was doing for years are part of courtship. Ngayon lang sumagi sa isipan ko na ilang beses ko na pala siyang ni-reject at hindi pinansin noon. I almost forgot about that! Damn! Kung hindi pinaalala ni Aki sa akin ay baka habang-buhay ko nang nakalimutan ang tungkol doon! Kailangan kong ipaalala rin ito kay Jaxx dahil sigurado akong iniisip niya pa rin na hindi niya ako niligawan kahit na noon pa man ay nanliligaw na talaga siya! Kailangan kong linawin iyon sa kaniya.
Kinuwento ko kay Aki kung paano naging kami ni Jaxx. Siya naman ay kilig na kilig na akala mo'y siya itong girlfriend. Kanina pa siya tili nang tili at hiyaw nang hiyaw. Habang nagkukuwento ako sa kaniya ay napatalon-talon pa siya at kinikiliti ako sa aking tagiliran. Aquisha really likes Jaxxon for me. Support na support siya sa relasyon namin at tuwang-tuwa siya para sa amin ni Jaxx. Kapag si Bruce itong nasa posisyon ni Jaxx, paniguradong puputok ang ugat ni Aki sa utak dahil ayaw na ayaw niya talaga kay Bruce.
YOU ARE READING
Memories of the Wind (Passion Series #3)
RomancePASSION SERIES #3: THE WIND Someday, all the wounds and pains I felt will be healed, and even all the scratches that my past has inflicted on me will fade. My memories of someone I love suddenly returned, making me realize that I should accept what...