Chapter 12

342 15 4
                                    

"Kumusta na kayo riyan, la? Nainom n'yo na ba ang gamot ninyo? Huwag n'yong kalimutang magpahinga, ha? At sa susunod siguro, baka makabisita na ako riyan."



Iyan ang bumungad sa akin nang lumabas ako mula sa aking silid. Jaxxon is talking to someone through call. Nakatapat ang kaniyang cellphone sa kaniyang tainga habang tumatango-tango siya sa kaniyang kausap. Hindi niya siguro napansin na nandito ako kasi nakatalikod naman siya sa gawi ko.



"Ingat kayo riyan ni lolo, la," pagtatapos niya sa tawag saka pinatay iyon at humarap sa gawi ko.



He got startled when he saw me. Kinagat ko lang ang aking labi para magpigil ng ngiti. Ang cute niya talaga minsan, lalo na kapag nagugulat siya. Umiwas siya ng tingin sa akin at ibinulsa ang kaniyang cellphone.



"Sino'ng kausap mo?" I asked. "Your grandmother?" I added the obvious.



"Ah.." Nakakamot-batok siyang tumango. "Oo, eh. Kinumusta ko sila nina lola at lolo, nasa Cadiz kasi sila nakatira. I am planning to file a monthly leave para mabisita ko sila. Matagal na rin kasi simula nang hindi ko sila napuntuhan, eh."



"You're such a loving grandchild," puna ko. "You're lucky, your grandparents are still alive."



"Oo nga, eh, sobrang suwerte ko talaga sa kanila. I was raised by my grandparents actually. Lumaki ako sa pag-aalaga nila kaya hindi ganoon kadaling talikuran sila," he explained. "Nga pala.. I already filed an excuse for today," he changed the topic. "Ngayong araw ang pageant mo, hindi ba? Kailan ka aalis? Sasabay ba 'ko sa 'yo?" he planted me some questions.



"Of course, you will come with me," I answered. "Aquisha will be my driver and she asked for the SUV of the industry. Susunduin niya tayo mamaya rito at huwag kang mag-alala dahil tatlo lang naman tayong nandoon sa SUV."



"Anong oras ba ang pageant mo?" he asked with forehead creased.



"4 o'clock in the afternoon," I answered casually. "But before 4, we should be there. Hindi puwedeng magpahuli ang mga kandidato dahil marami pang i-prepare roon, eh."



"Okay, puwede bang matulog muna ako?" he favored. "Magpapahinga lang sana.. saglit lang naman."



"H-Huh? Ibig mong sabihin.. wala ka pang pahinga? Wala ka pang tulog ngayon?" I asked with a hint of concern.



He nodded slowly. "Oo, kauuwi ko lang, eh. Nag-overtime ako kahapon kaya wala akong pahinga. Kaya ko pa naman kung ngayon na tayo aalis, magbibihis---"



"No," I immediately cut him out. "Ayos lang, magpahinga ka muna. Mamaya pa naman iyon at mag-aayos pa naman ako para roon. Take a rest first, J-Jaxx. Huwag mo munang isipin iyong tungkol sa pageant."



"I can't prepare you a breakfast although.. I bought you something to eat and it was on your table, you can check it out," he told me. "Mainit pa iyon nang binili ko kanina, pero titingnan ko lang kung mainit pa. Iinitin ko na lang kapag hindi na."



He was about to turn his back to me to go to the kitchen but I immediately closed our distance and held his elbow. Bumaba ang kaniyang tingin sa kamay kong nasa kaniyang siko at kaagad ko ring inalis iyon doon. Tumikhim ako at sa halip ay hinawi na lang ang mga kumakalat na buhok sa aking mukha. Nilagay ko ang takas niyon sa likod ng aking tainga.



"Uh.." I cleared my throat again. "Kaya ko namang kumain ng pagkain kahit hindi na mainit iyon. Magpahinga ka na, Jaxx. Don't worry about me, I can handle myself. Come here.. let me accompany you to your room."



Memories of the Wind (Passion Series #3)Where stories live. Discover now