Gumising ako nang makaramdam ng paghahaplos sa aking mukha. Minulat ko ang aking mga mata at ang unang bumungad sa akin ay ang mukha ng kaibigan kong si Aquisha. Masakit ang ulo ko pero ininda ko ito para salubungin ng tingin ang kaibigan ko.
"Z-Zani!"
Her eyes widened when she saw me awake. Mabilis na tumayo siya na tila natataranta para siguro tumawag ng doktor, pero mabilis kong hinawakan ang kanyang braso para pigilan siya. Nasa iisang silid kami ngayon na halos puro puti na ang makikita ko.
Natulala ako habang pilit na inaalala iyong ginawa ko. Ba't gumising pa ako? Ba't naalala ko pa rin ang lahat? Bakit nandito pa rin iyong sakit?
"A-Aki.." I whispered her name.
"Zani, tatawag muna ako ng dok---"
"I am fine. Don't worry about me.." I cut her out.
Her eyes were swollen when I looked at her. Namumula rin ang kanyang ilong na tila galing siya sa iyak. Tinulungan niya akong bumangon mula sa pagkakahiga. Masakit ang ulo ko at ang katawan ko, pero ayos naman ako at kaya ko namang indahin ang sakit. Paano ako naging maayos matapos iyong ginawa ko?
"N-Nakakainis ka, alam mo ba..." Nanginig ang kanyang boses nang magsimula nang kumawala ang hikbi sa kanyang bibig. "A-Akala ko... A-Akala ko mawawalan na ako ng kaibigan!" she cried.
"Aki.." I uttered her name. "I'm okay..."
"Okay? Alam mo bang muntik ka nang mamatay dahil sa nangyari sa'yo, ah?!" Her voice raised.
Mapait akong ngumiti. "Sana nga.. Sana natuluyan na lang ako.."
"D-Don't... Don't say that!" she hissed. "Zani, naman! Ano ba talaga ang nangyayari sa'yo.." naiiyak niyang sinabi.
Umiling ako. "Ewan ko. Hindi ko rin alam, Aki."
I heard Aki's sobs. She did not say anything, but I could feel her pain. Nasaktan ako habang tinitingnan ang kaibigan kong umiiyak sa harapan ko. Inabot ko ang kanyang kamay at sobrang lamig niyon. Winaksi niya ang kamay ko at tinakpan ang kanyang mukha gamit ang kanyang palad habang humagulgol sa harapan ko.
"I am sorry..." the only thing I can say. "But, Aki, I-I am tired too.."
"Zani, isipin mo nga kami!" she bawled. "Huwag mo namang gawin ito! You are my only best friend, Zani!"
Nanggilid ang luha sa aking pisngi, kaya nag-angat ako ng tingin sa kisame para pigilan pa ang pag-agos nito. I felt really sorry for being like this to her, pero masisisi niya ba ako? Gusto kong makita si Jaxx. Si Mommy. Si Daddy. Ang baby ko. Lahat sila, gusto kong makita.
"A-Aki.." My voice broke as I called her. "Will you cry again if you see me hanging in that ceiling?" I asked while looking at the ceiling.
"Zani! Huwag ka ngang ganiyan! That's not funny.. please..." hikbi niya. "Huwag mo namang gawin sa sarili mo ito, oh!"
I don't know how long her cries took. Paulit-ulit niyang sinasabi sa akin na tanging ako lamang ang kaibigan niya na mayroon siya at hindi niya kakayanin kapag mawala ako sa kanya. Aki is my best partner in crime, my buddy, my best friend, my sister, and the person who helped me grow. Hindi ko siya kayang iwan, pero nangingibabaw pa rin ang kagustuhan kong makita si Jaxxon, mga magulang ko, at ang baby ko.
"Zani, you cannot let go of the past, but.. you have to. Look at yourself. Napapabayaan mo na ang sarili mo. Zani, huwag mo namang gawin ito sa sarili mo. You're hurting yourself. Please, kahit para na lang sa 'yo.. kahit huwag mo na kaming isipin.. ayusin mo naman ang sarili mo."
YOU ARE READING
Memories of the Wind (Passion Series #3)
RomancePASSION SERIES #3: THE WIND Someday, all the wounds and pains I felt will be healed, and even all the scratches that my past has inflicted on me will fade. My memories of someone I love suddenly returned, making me realize that I should accept what...