The next day, I woke up when I heard my manager's deafening voice. Naalimpungatan ako pero hindi pa rin nagpatinag, naglukbong ako ng kumot kasi inaantok pa rin ako.
Akala ko ba'y hindi siya makakapunta rito kasi pinatawag siya? Damn! I'm still sleepy! Napuyat kasi ako kahapon sa kaiisip kung ano ba'ng ibig sabihin ng bombshell na 'yon pero tinulugan ko na lang ang iniisip dahil inaantok na 'ko.
Napabalikwas na lang ako nang biglang hatakin ni Aki ang kumot ko at itinapon iyon sa sahig. Umirap ako sa kawalan bago inapak ang aking talampakan sa sahig, umupo ako sa kama at ganoon din ang ginawa ni Aki sa aking tabi.
"Ang aga-aga, Aki, eh," naiinis kong sambit. "Inaantok pa rin ako ngayon! Bakit kasi ginising mo 'ko? Ang sarap pa ng tulog ko, eh."
"I wake you up, kasi aalis tayo ngayon," maikli niyang paliwanag.
"Aalis? Bakit naman?" iritadong kong saad. "'Di ba hindi ako puwedeng lumabas? Did the industry announce that I can go out now?"
Biglang umaliwalas ang aking mukha sa naisip. Isang buwan bang hindi lumalabas ng bahay, ano?
"No," she answered and shook her head. "Sir Rayven asked me to fetch you here. Aalis tayo ngayon---"
"What?!" napabulalas ako nang maalala na uuwi pala ngayong araw si Jaxx! "Oh no, Aki, puwedeng sa ibang araw na lang?"
Umiling siya. "Everyone are waiting for you at the press conference. Walang ibang paraan para maayos itong issue, Zan, maliban dito. Naisip namin na kailangan mong magsalita sa press at sabihin ang lahat-lahat, nagbabaka sakali kami na ito na ang magpapatahimik sa lahat. Inaabangan ng media ang pahayag mo at ngayong araw na naiplano namin na ngayon ka magsalita."
"There's no other way?" I scoffed. "Aki, ayokong lumabas muna, eh. Puwedeng bukas na lang o sa susunod? Uuwi kasi ngayong araw si Jaxx 'tapos wala ako rito?"
She clicked her tongue. "Ah, kaya pala ayaw mong umalis kasi uuwi si Jaxx ngayon dito? Puwede naman natin siyang isama sa atin. Siguro'y hihingian din siya ng pahayag tungkol sa issue."
"I don't want him to get involved with this," I said in a soft voice. "He's out of this matter, Aki. Wala rin siyang kaalam-alam sa lahat."
"Bahala ka, tatanungin ko siya mamaya kung gusto niyang sumama sa atin sa prescon," pagmamatigas pa ni Aquisha.
"Aki, he needs to rest," giit ko pa. "Kagagaling lang ni Jaxxon sa trabaho niya, eh. Hayaan mo muna siyang magpahinga."
"Eh?" Ngumuso si Aki. "Kung kayong dalawa lang dito ay hindi makakapagpahinga 'yan, eh! Sige na, Zan, sasama 'yan, tiwala ka sa 'kin!" Kinindatan niya pa 'ko.
Wala akong magawa kundi umiling na lang. "Bahala ka nga, Aki, basta huwag mo siyang pilitin kung sasabihin niyang ayaw niyang sumama, ha?"
Aquisha waited for me until I finished my daily routine. I wore a trouser pants partnered with tanktop. Lumabas kaagad ako sa aking silid nang matapos na ako sa pag-aayos sa aking sarili. I just applied light make-up on my face. Lipstick, foundation, and mascara are enough.
Si Aki ang bumungad sa akin sa sala nang makarating ako roon. Prente siyang nakaupo sa couch habang nakahalukipkip, tila may iniisip. She lifted her head on my direct when she felt my presence.
"Tapos ka na ba?" tanong niya 'tsaka sinuri ako ng tingin.
"Uh-huh," I replied and nodded my head. "Nakauwi na ba si Jaxx dito?"
YOU ARE READING
Memories of the Wind (Passion Series #3)
RomansaPASSION SERIES #3: THE WIND Someday, all the wounds and pains I felt will be healed, and even all the scratches that my past has inflicted on me will fade. My memories of someone I love suddenly returned, making me realize that I should accept what...