Chapter 52

239 5 0
                                    

"Leave her..."



Kumuyom ang kamao ko nang marinig iyon mula kay Tita Stephaniah. Jaxxon and her are talking right now without knowing that I am here, hearing their conversation. Nanatili akong walang-imik at pinakinggan pa ang sunod na sinabi niya.



"Ilang halaga ba ang kailangan mo para layuan siya?" she asked. "Jaxxon, in the first place.. alam mong ayaw sa 'yo ni Zani pero ano'ng ginawa mo? Pinilit mo ang sarili mo sa kaniya! Si Drake ang mahal niya, hindi ikaw!"



"Kung ganoon po, tita, bakit ako po ang pakakasalan niya kung si Drake naman ang mahal niya?" sumagot si Jaxx.



"Aba!" Humalakhak si Tita Steph. "Marunong ka nang sumagot ngayon? Ganiyan ba ang tinuro ng lolo't lola mo sa 'yo? Kung ganoon, napakawalang-kuwenta silang magdesiplina sa 'yo."



"Inuulit ko po, tita, bastusin n'yo lang ako. Sirain n'yo ang pagkatao ko, pero hindi ko kayo hahayaang bastusin ang mga magulang ni mama," sumabat si Jaxx sa malamig na tinig.



Tita Steph scoffed. "Alam mo? Kung hindi umepal iyong si Shekainah at pati na rin ikaw, sina Zani at Drake pa sana ngayon."



"Bakit n'yo pa ba binabalikan ang relasyon nilang matagal nang tapos, tita? Both of them already moved on and had their closure. Bakit ba hirap na hirap kayong tanggapin na hindi talaga sila ang para sa isa't isa?"



Napatuwid ako ng tayo nang biglang sinapak ni tita si Jaxx! I was about to come near them but gladly, I stopped myself. She slapped Jaxxon's face hardly. Gusto ko siyang pigilan pero natulos ako sa kinatatayuan ko.



"Kahit ano man ang gawin mo, hinding-hindi kayo bagay ni Zani, Jaxxon! Tandaan mo, hinding-hindi ko hahayaan na maging kayo! Gagawin ko ang lahat para masira kayo."



"Pasensya na, tita, pero kahit gaano man kayo kayaman, kahit gaano man kalaking halaga ang ibibigay ninyo sa akin, at kahit gaano man kayo ka-makapangyarihan.. hinding-hindi ko gagawin ang gusto ninyo."



She looked at Jaxxon coldly. "Ito lang ang tatandaan mo.. hinding-hindi magiging kayo dahil sisirain ko kayo kahit ikakaubos man iyon ng lahat ng mayroon ako."



"I cannot believe you, tita." Umiling si Jaxx. "Sobrang napakamakasarili n'yo po. Kaya n'yong manira at manakit ng tao para sa kagustuhan ninyo."



"Don't speak, I did not ask you to do it," matigas niyang sabi kay Jaxxon. "Let's see, Jaxxon.. tingnan natin kung sino ang magwawagi sa huli." An evil grin plastered on her lips as she said those words.



"Hinding-hindi n'yo kami kayang sirain, tita," malamig na sabi ni Jaxx.



She smirked. "Dahan-dahan pa lang, Jaxxon. Paunti nang paunti pa lang. Anyway.. kumusta ang mga pusa?"



Nanginig ang mga labi ko at nanlaki ang mga mata ko nang biglang sinulpot iyon ni tita. She's smiling at Jaxxon. Si Jaxxon naman ay nandidilim ang paningin na nakatingin kay tita. He clenched his first. Kung hindi niya pinipigilan ang sarili niya ngayon, baka ano na ang ginawa niya kay Tita Steph.



"I-Ikaw ang may pakana sa nangyari sa kanila, tita?" Jaxxon managed to ask that despite of his range.



Humalakhak si Tita Stephaniah. "Nagsisimula pa lang ako, hijo---"



"Pero bakit pati ang mga pusa namin kailangang idamay mo?!" Umalingawngaw ang boses ni Jaxx sa paligid, mabuti na lang at gabi kaya walang tao sa paligid. "Ano, tita?! Ano'ng ginawa ng mga pusa namin sa inyo para gawin mo ito?! For Pete's sake! They are all innocent! Kung naghahanap kayo ng sasaktan ninyo, sana ako na lang---"



Memories of the Wind (Passion Series #3)Where stories live. Discover now