"I am sorry for the loss, Miss Evans. We've tried to save your baby, but I am sorry..."
Tila nabingi ako sa unang bumungad sa akin pagkagising ko. Nanginginig ang buong katawan ko habang pinapakinggan ang sinasabi sa akin ng doktor na wala akong maintindihan dahil nasa isang bagay nanatili ang isipan ko. I was pregnant! Buntis ako, pero hindi ko alam!
"Zani, anak. Your parents were dead on arrival two days ago."
I wanted to cry. I wanted to burst all my tears, pero walang luha na lumalabas galing sa mga mata ko. The doctor said that I lost the baby, and I was asleep for two days. Wala akong ibang kasama ngayon dito sa ospital kundi ang tunay kong ina. At ngayon, ibabalita niya sa akin na wala na sina mom at dad? Kahit na hindi niya sasabihin, alam ko na 'yon dahil iyon ang nararamdaman ko ngayon!
"Zani, huwag ka nang mag-drama n—"
"Drama?" I cut her off. "You called this a drama, huh?!"
Umirap siya. "Bakit? Hindi ba? Wala na sila, patay—"
"It was because of you! It's your fault!" I hissed. "Nakita kita! Nakita kita sa parking area nina mommy at doon ka galing sa sasakyan na ginamit namin! I am sure you fucking cut the brake!"
"Huwag ka huwag mong mumurahin ang sarili mong ina! Stop putting the blame on your mother! Kasalanan ko bang tinakda na silang mamatay, ha?! Huwag kang gumanyan sa sarili mong ina!"
I scoffed. "Sariling ina? How dare you! Hindi ka kailanman naging ina sa akin! Ikaw, e! Ikaw ang may kasalanan kung bakit namatay sina daddy!"
"Aba! Gaga ka, ah! Bakit mo naman sinisisi sa 'kin ang lahat, ha?! Sapat ba ang pruwebang mayroon ka na ako nga ang pumatay sa mga magulang mo?! Ikaw ang may kasalanan dahil ikaw ang nagmamaneho ng sasakyan!"
"I know you are behind this fucking bullshit! Ikaw ang may pakana ng lahat ng ito! You cut our brake and then what?! You only saved me! Hindi mo man lang tinulungan sina mom at dad kahit na pinakiusapan kita! Wala kang puso! Wala kang hiya!"
"And you should be thankful that I saved you, Zani! Pasalamat ka hindi rin kita pinatay! Dahil kung ginawa ko man iyon, kasama mo hanggang ngayon ang dalawang iyon sa impyerno! Magpasalamat ka dahil kung hindi kita kinuha sa sasakyang iyon ay patay ka na rin sana hanggang ngayon! At magpasalamat ka rin na dinala kita rito sa ospital!"
"Sana hinayaan mo na rin ako! Bakit mo ba sa akin sinusumbat ang lahat ng 'to?! And why I should be thankful to you?! Oh, my witch mommy, thank you for saving me! Ganoon?! That's what you want to hear from me?! Hindi! Dahil simula't sapul, alam kong ikaw ang may kasalanan ng lahat! Ikaw ang may pakana kung umabot sa nawala sa akin sina mommy at daddy! Tang ina! Sana hindi na lang ikaw 'yong ina ko!"
Napasinghap ako nang biglang dumapo ang kanyang palad sa aking pisngi. Nanggigilid ang mga luha ko at binalingan siya.
"Sabihin mo lang kung gusto mong sumama sa kanila! Sabihin mo ngayon dahil papatayin kita!"
She harshly pulled my hair, and my body froze when she took out a gun from her leather jacket. Mas lalo akong nanginig habang siya naman ay nanlilisik ang mga mata na tinutok niya ang baril sa aking noo.
"Kung ayaw mo 'kong maging ina, ayaw rin kitang maging anak! Sana pinalaglag na lang kita! Sana hindi na lang kita binuhay sa mundong ito!"
"If you will kill me, you should kill yourself, too," I whispered, trying to hold back my tears.
"And why would I do that? Hindi ako tanga, Zani! Kahit magkadugo tayo, kahit anak man kita, kayang-kaya kitang patayin gamit ang baril na ito! Ako ang bumuhay sa 'yo at ako rin ang papatay sa 'yo!"
YOU ARE READING
Memories of the Wind (Passion Series #3)
RomancePASSION SERIES #3: THE WIND Someday, all the wounds and pains I felt will be healed, and even all the scratches that my past has inflicted on me will fade. My memories of someone I love suddenly returned, making me realize that I should accept what...