Chapter 45

218 4 0
                                    

"Bombshell, hey.. are you okay?"



I slipped out from my thoughts when I suddenly heard Jaxxon. I drifted my eyes to him and smiled compulsively. He looks distressed, he couldn't smile back at me.. he is just staring at me.



Isang linggo na ang nakalipas matapos iyong binalita sa akin, halos nawawala na ako sa sarili kapag naiisip ko iyon. Pilit ko rin na inabala ang sarili sa trabaho pero hindi pa rin iyon maalis-alis sa isipan ko. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa nalaman ko.



"Please, baby, don't think too much," bulong ni Jaxx sa akin at hinaplos ang braso ko. "Kung pagod ka rin sa trabaho mo, puwede kang magpahinga.. huwag mong pilitin ang sarili mo."



He already knew about Bruce, sinabi rin ng Head sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang naging reaksyon niya pero siguro.. maging siya ay nagulat din sa ibinalita. He just comforted me when he saw me crying after Sir Rayven told me everything. And speaking of him, one of his men went near me out of sudden.



"Uh.. miss," bati ng tauhan sa akin, hindi halos makatingin sa akin dahil medyo nahihiya yata. "Tumawag po si Mr. Montenegro, nagpapatanong po kung ano po ang gustong kainin ninyo?"



Hindi na ako nagulat sa tanong dahil nang lumuwas pa-Maynila ang mag-asawa ay palagi silang tumatawag sa mga tauhan para kumustahin ang situwasyon ko at para rin paghandaan ako sa mga kakainin ko. Ang gaan lang sa pakiramdam na pinaparamdam talaga nila sa akin na bumabawi sila para kay Bruce. They don't have to do it anyway but they insisted, they said that they are obliged to it. May pagkakataon din na sa akin sila mismo tumatawag at pinapaalala na kung may kailangan daw ako, tatawagan ko lang daw sila.



I smiled. "Anything.. kung ano lang ang maipaghanda ninyo sa akin, iyon lang 'yon. I am still on my diet kaya huwag n'yo masyadong damihin basta sakto lang sa dalawang tao dahil kami ng fiancè ko ang kakain."



It's been a week also after we got engaged. Time flies so fast. We simply celebrated our engagement on the other day after he proposed to me. Halos buong araw kasi nang malaman ko ang nangyari kay Bruce ay nawala na ako sa sarili ko kaya pinagbukas na lang ang engagement celebration namin ni Jaxx. Simple lang iyon at tanging kami lang apat nina lola at lolo ang naroon, at kasama rin namin ang anim na pusa sa pag-celebrate namin. Ganoon lang kasimple pero ang mahalaga ay kahit papaano ay napasaya ako.



"Come on, everybody! Tapos na ang oras na binigay ko sa inyo!"



We immediately get back to our position when we heard the director out of nowhere. Si Jaxxon ay lumapit sa puwesto ni direk samantalang ako naman ay nilapitan si Christof Cruz na nakahalukipkip at nakatingin sa akin. Si Josh naman sa kaniyang likuran ay kinawayan ako.



"Josh, go back to your place!" utos ni direk kay Josh.



Natatarantang bumalik si Josh sa pinagpuwestuhan niya kanina. He smiled awkwardly to me. I even saw the three girls behind him, Issa, Crisha, and Shania. They are waving at me. Crisha even howled to cheer me. Tumawa lang ako nang pinukol siya ng masamang tingin ni direk, she only gave him a peace sign.



"Kaya mo 'yan!" Sumipol si Shania. "Ang galing mo kayang um-acting!"



"Shania!" saway ni direk sa kaniya.



"Sorry po, direk!" she apologized right away and waved at me again.



Napailing na lang ako sa kaniya. They are nice to be with. Napansin ko na masama pala silang kalabanin pero mabuti naman sila kapag kaibiganin. The table has turned. Their old friends became their enemies. I know it was because of me. Ilang beses ko silang naririnig na nagtataluhan tungkol sa pagiging close bigla nina Shania sa akin.



Memories of the Wind (Passion Series #3)Where stories live. Discover now