Chapter 3

461 17 0
                                    

I am on my bathrobe when I went out from my bathroom.



Bumungad sa akin ang iilang mga kahon at si Jaxxon na may isa pang binubuhat. He placed the box on my flawless gace table when he saw me. Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi at napawi iyon nang bumaba ang kaniyang tingin sa aking katawan. His mouth formed into a circle and he swallowed hard. Mabilis siyang umiwas ng tingin at kunwari'y inabala ang kaniyang sarili sa pag-aayos ng mga kahon.



"Uh.. ang bilis mo naman," puna ko.



He told me earlier that he will get his things from his home. Hindi ko alam kung bakit niya pa tinuturing tirahan ang tinutuluyan niya kahit na pinagkakaitan naman siyang tumira roon. Kararating niya lang ngayon at napapaligiran ng kaniyang kagamitan ang buong sala pero ayos lang naman sa akin dahil sigurado naman akong liligpitin niya naman ang mga iyon. And as usual, he's still on his white shirt. Kung ano ang suot niya kahapon ay ganoon pa rin ngayon.



"Sadyang mabagal ka lang maligo, Zan," he talked back laughingly, trying to avoid awkwardness. "Nagpatulong naman ako sa isang kakilala kong may sasakyan. Nagpahatid ako sa kaniya rito at nagpatulong sa mga gamit ko. Masyado pa lang marami ang mga ito."



"Yeah," I agreed and turned my eyes on the boxes. "Ayos lang naman kaysa naman pabalik-balik ka pa sa inyo. Do you want me to help with your things?"



"Huwag na," he refused. "Kaya ko na at may shooting ka pa, hindi ba? Ako na muna ang bahala rito sa bahay mo---"



"Bahay natin," I cut him out. "Simula ngayon ay bahay mo na rin ito, Jaxx."



"Is this how you treat your.. old cook?" He cocked a brow.



I was taken aback when I heard that question from him. Honestly, I never treated my cook like this, he just came all the way here to cook for me. Hindi naman dito naninirahan ang cook ko noon, eh. Pumupunta lang siya rito kapag pinapatawag ko siya at may sariling bahay naman iyon. Tumigil nga lang siya sa pagtratrabaho niya sa akin nang dumugin ang pamilya niya ng media dahil nalaman ng lahat na siya ang personal cook ko.



"Excuse me?" I pardoned.



"I asked you if this is how you treat your old cook?" he repeated.



I shook my head without any hesitation. "No, no, of course. Bakit? Ayaw mo ba na ganito ako sa 'yo? Hindi ka ba sanay? Naninibago ka kasi.. palagi kitang tinataboy at nilalayuan noon?"



"Oo, naninibago ako kasi hindi ka naman ganito sa akin, eh. Mas gugustuhin ko pa nga siguro na nagsusungit ka sa akin," he told me.



"Oh," the only word that came out from my mouth. "S-So.. ayaw mo na trinatrato kita nang ganito?"



"Hindi naman sa ganoon," agap niya kaagad. "Pero mas gusto kong sinusungitan mo 'ko kasi ang ganda mo 'pag nagsusungit ka, eh. Sa tuwing sinusungitan mo kasi ako ay roon ko nakikita ang totoong ikaw."



"Hey, I am not faking myself right now!" I rolled my eyes. "Bahala ka nga, magbibihis na 'ko."



Tumikhim siya. "Oo nga, kailangan mo nang magbihis. Habang nakaganiyan ka kasi ay naaakit ako, eh."



Hinagod niya pa ako ng tingin at inirapan ko lamang siya. Umamba na akong maglakad papasok sa aking silid nang may namataan akong sketchpad na nakalapag sa flawless grace table. Sa halip na dumiretso sa aking kuwarto ay tumungo ako sa aking lamesa. Akmang kukuhanin ko na ang sketchpad na nakalapag doon pero inunahan ako ni Jaxxon. He immediately hid it on his back.



Memories of the Wind (Passion Series #3)Where stories live. Discover now