"Bagay ba sa akin, Jaxx?" tanong ko sa kaniya sabay pakita sa kaniya ang sinuot niyang singsing sa akin.
"Oo," he answered as he nodded his head. "Pero mas bagay ka sa 'kin." He winked at me after he said that.
Ngumuso ako, nagpigil ng ngiti. "Ang kulit mo na, ah?"
"Why? Is it wrong to be like this?"
"No," I answered, almost an immediate. "I like you being like this.."
He's hugging me from the back habang tinatanaw namin pareho ang dulo ng baybayin. Kinalas ko ang yakap ni Jaxx sa akin, ilang minuto na kasi kaming ganito ang posisyon. Kung hindi ako nakaramdam ng gutom ngayon, gusto kong ganito pa rin ang posisyon namin kahit na gagabihin pa kami rito.
"I'm hungry," I told him.
"Alright.." Napalunok siya bago tumikhim. "Let's eat then.."
Pinaupo niya muna ako sa upuan bago siya umupo sa harapan ko. He's bitting his lower lip while staring at me. Nagsimula na akong kumain sa hinanda, halos hindi ko pa malunok nang maayos ang kinakain dahil pakiramdam ko ay nabunutan ako ng tinik sa aking lalamunan. I couldn't believe it! We're now engage!
I ate the chicken on the soup. "Ang sarap.. ikaw nagluto nito, 'no?" I started a topic.
"Yeah," he responded. "Do you like that? I can cook again if you want."
"No need to cook again, Jaxx," I refused. "Sa susunod na.." Binaba ko ang tingin sa fried chicken na nasa tabi lang ng kanin at bigla na lang may pumasok sa isip ko.
"What?" he mouthed when he noticed that I'm thinking about something. "What are you thinking?"
Ngumuso ako. "Kapag ba malungkot ang manok, Jaxx? Chicken Joy pa rin ba ang tawag do'n?"
He blurted a hard laugh because of what I said. Lumabi naman ako at kinain na lang ulit ang pagkain. Naisip ko lang naman! Hindi naman bawal iyon, hindi ba?
"Talagang naisip mo 'yan?" natatawa niyang tanong.
"Wala lang! Bawal bang isipin 'yan? I am just wondering, Jaxx," I reasoned out.
We had our dinner that night. Hindi lang din iyon ang napag-usapan namin kundi marami pa. He joked sometimes, wala rin akong ibang gawin kundi sakyan ang biro niya. Sa huli'y nagbiruan na lang kaming dalawa hanggang sa matapos na kaming kumain.
"Are you sure with him? You really want to marry him? You sure you won't regret if that happens?"
Kuya planted me questions nang ibinalita ko sa kaniya ang tungkol sa amin ni Jaxx ngayon. Bumuntonghininga ako dahil sa mga tanong ni kuya. I was excited habang nagbabalita ako tapos ito pala ang sasabihin niya?
"Yes, kuya," I answered right away.
"Matagal na ba kayo, Aliz?"
"Kuya.." Hindi ko na napigilan ang pagbabanta sa tinig ko.
I heard him sighed on the other line. "I'm just worried.."
"You don't have to worry about me because I am in good hands, kuya, ikaw na mismo ang nagsabi niyon."
"Ngayon ko lang naisip, Aliz, na iba talaga kapag ikakasal na ang iniingatan naming prinsesa. You are our treasure, Aliz, no man ever deserves you.. even him."
YOU ARE READING
Memories of the Wind (Passion Series #3)
RomancePASSION SERIES #3: THE WIND Someday, all the wounds and pains I felt will be healed, and even all the scratches that my past has inflicted on me will fade. My memories of someone I love suddenly returned, making me realize that I should accept what...