T.W: accident
X: I acknowledge my imperfections and mistakes in this story (or even in some stories), feel free to offer constructive feedback, and I am willing to learn. I am still young and still learning, I hope you can bear with me. Thanks!
"You're so beautiful. No wonder I love you so very much."
Humalakhak ako sa sinabi ni Jaxxon sa kabilang linya. We're currently calling each other. Araw-araw kaming nag-uusap sa tawag, pero kapag may oras lang naman. Isang linggo na rin ang nakalipas noong umalis ako ng bansa.
"Binobola mo pa ako, ah," I told him, laughing. "Hulog na hulog na ako sa 'yo, Jaxx, kaya tumigil ka nga."
"Mahal naman talaga kita," he said.
"Hm? Gaano mo ba ako kamahal? Come on, tell me..." hamon ko sa kanya.
"My love for you is bigger than anything else, Zani," he told me.
"Humihirit ka talaga, ah? Sure kang mas malaki ang pagmamahal mo sa kahit ano? Kahit sa ano mo?" Humalakhak ako.
He chuckled. "Wala kang panlaban sa akin, ano?"
"Well, mayroon naman," I said and laughed again. "Tatalunin pa kita sa hirit mo, eh."
"Try me then," he said with a hint of challenge in his voice. "Really, huh? You want that?" he asked with emphasis.
"Oo, hihirit ako, gusto mo ba?"
"Why not, baby?"
"If your love for me is bigger than anything else, then my love for you couldn't be held, couldn't see, but you could feel it."
Naputol na lang ang usapan namin ni Jaxx nang tawagin ako sa studio, dali-dali akong pumunta roon at sumunod naman sa akin sina Eliz at Frith. It was another busy day with my project. Buong araw ay binabad ko ang sarili ko sa trabaho. Jocelyn de Vara wasn't in the place. I don't know where she is.
Halos araw-araw naman kasi siyang may pinupuntahan at hindi niya sinasabi sa akin kung saan siya pupunta. Hinahayaan ko lang naman siya at bahala siya sa buhay niya.
Halos iyon din ang eksena sa buong buwan, hindi kami isang buwan lamang na nanatili sa France kundi dalawang buwan! May mga pictorial pa kasi akong ginawa at marami pa. Si Jocelyn de Vara naman ay mas lalong lumala. Gabi na siya kung umuwi at nanbubulabog pa sa hotel room namin ni Eliz pagkauwi niya at magrereklamo siya sa akin na wala na siyang pera, damit, o kung ano-ano pa.
Minsan ay nagdududa na talaga ako kung ina ko ba talaga siya dahil pineperahan na niya ako. She doesn't care if I'm tired from work. Basta makuha niya lang ang gusto niya ay ayos na siya roon.
Kaya naman nang pabalik na kami ng Pilipinas ay natuwa kaagad ako.
"Saan ka kaagad pupunta, hija?" tanong niya habang nasa biyahe pa kami.
"Sa kina mommy at daddy ako didiretso," I said. "I will celebrate my arrival with them since Jaxxon is busy with his work."
"Why don't you celebrate it with me?"
"We've been together for the whole two months," dahilan ko lang.
"Eh 'yong dalawang 'yon? You've been with them for almost all of your life!" She scoffed. "Why don't you spend your life with me?"
YOU ARE READING
Memories of the Wind (Passion Series #3)
RomancePASSION SERIES #3: THE WIND Someday, all the wounds and pains I felt will be healed, and even all the scratches that my past has inflicted on me will fade. My memories of someone I love suddenly returned, making me realize that I should accept what...