"Let us all welcome our last contestant from Sampaloc, Manila. Miss Saitty!"
Iyan ang naabutan ko nang makabalik ako sa backstage at narinig ang announce ng host sa stage. I went to bathroom earlier and pooped there, masakit kasi ang tiyan ko kaya hayun.. natae na talaga ako. Natagalan siguro ako kaya ang panghuling kandidato na ang naabutan ko. Nasa backstage kami ng ibang kandidato kaya hindi namin makikita kung ano ang pinapalabas sa stage.
"Miss Saitty, can you introduce yourself?" the host favored to the last contestant.
"Sure!" the woman answered in a jolly tone, almost an immediate. "Hi, I'm Saize Brittany Florist! Thank you so much for welcoming me here! Actually, this is my first time joining a pageant. I never joined any pageant before." She was sounded nervous as she said that. "Oh goodness, my hands are shaking now. Kinakabahan yata ako ngayon, pagpasensyahan n'yo po sana ako kasi ito ang unang beses na sumali ako sa ganito, eh," pahayag niya. "Uhm.. anyway, my belief... I believe that every person can chase his or her dreams without dragging anyone else."
"Naintindihan ka namin, Miss Saitty, kung kabado ka ngayon," the host said, chuckling. "So.. here's the question for you, our last contestant."
"Mas lalo akong kinabahan, ha," she said in between laughing.
"This is the same question on the other contestants. I will repeat this for you, Miss Florist."
"Okay..."
"In your opinion about the two person who once fell in love with each other, who have to be blamed? The person who let go? Or the person with the deficiency?" the host asked.
"Puwedeng tagalog po ang isasagot ko?" Miss Florist requested. "Sorry, hindi kasi ako ganoon kagaling mag-English, eh," she added an apology.
"Of course, Miss Florist. Like what I said to the first contestant earlier, we did not require that all of the questions are answerable in English. You can use Tagalog since this pageant is not an international."
I heard Brittany cleared her throat. "Sa aking palagay," she paused. "Ang taong may pagkukulang ang dapat sisihin," she answered.
Narinig ko ang mga tawa ng lahat, pati na rin ang tawa ng judges, at halakhak ng host dahil sa sagot ng panghuling kandidato. Kahit ang mga staffs din ay natawa dahil sa sagot niya samantalang ako naman ay nakakunot ang noo. Nang tumahimik ang paligid ay roon na muling nagsalita ang host.
"Bakit iyan ang naisagot mo, Miss Florist?" May bahid na sarkasmo ang kaniyang tono nang itanong iyon. "Sa inyong lahat na magkalahok ay ikaw lang ang iba ang sagot, eh. Maaari ba naming malaman kung bakit, Miss Saitty?"
Narinig ko ang malalim na buntonghininga ng kandidato bago ito nagsalita. "Kasi.. kung talagang mahal mo ang isang tao, hinding-hindi mo hahayaan na magkakaroon ka ng pagkukulang dito. Kung mahal mo ang isang tao, handa kang magsakripisyo kahit alam mong ikakaubos mo. Hindi pagmamahal ang tawag sa nararamdaman mo kung marami ka namang pagkukulang. Bago ka pumasok sa isang relasyon, kinakailangan na alamin mo kung ano ang mga bagay na dapat mong gawin. Walang rason para magkulang ka kung ikaw ay nagmamahal talaga."
I disagree with everything she said honestly. Hindi pagmamahal ang tawag sa taong mayroong pagkukulang? Hindi mo puwedeng isakripisyo ang lahat para sa taong mahal mo, paano naman ang sarili mo? No, you might lose yourself just because of that. I will never agree with her statement. You won't have to sacrifice everything, you don't have to lose yourself because of someone you love, right?
YOU ARE READING
Memories of the Wind (Passion Series #3)
RomancePASSION SERIES #3: THE WIND Someday, all the wounds and pains I felt will be healed, and even all the scratches that my past has inflicted on me will fade. My memories of someone I love suddenly returned, making me realize that I should accept what...