Chapter 23

245 9 0
                                    

"We'll go to my parents' place today, Jaxx, I wanna introduce you to them."



That's what I declared to my boyfriend when he went out from his room the next day. It's his day off, he looks exhausted. Pero gusto ko na kasi siyang ipakilala sa kina mommy at daddy ngayon. Jaxxon just stunned and looked at me disbelievingly. Ngumisi ako sa kaniya at nilapitan siya.



"Pagod ka ba ngayon?" I asked the obvious. "Puwedeng sa ibang araw na lang kita ipakilala sa kanila kung pagod ka ngayon," I added worriedly.



"K-Kaya ko pa naman," nauutal niyang sabi, mukhang nakabawi na sa gulat.



I tilted my head, my smile widened. "Are you sure? If you're still tired, you can tell me. Sa hitsura mo kasi ngayon ay halatang pagod ka, eh."



"Nakapagpahinga naman ako," maiksi niyang paliwanag. "Sapat na pahinga iyon."



"Okay, then." Tumango ako. "Let's pay a visit to my parents' place. I will introduce you to them. Shall we go now?"



"N-Ngayon? I-I mean, aalis na talaga tayo ngayon? H-Hindi ba tayo uh.. mag-aayos muna?"



Natawa ako sa reaksyon niya. "Oo, aalis tayo ngayon din at hindi naman natin kailangan pang mag-ayos."



"S-Sandali..." He gave me a wait sign before turning his back to me.



Umamba siyang babalik sa kaniyang silid pero hinawakan ko ang braso siya upang pigilan siya. Pinaharap ko siya muli sa akin at pinalupot ang aking mga braso sa magkabilang baywang niya saka siya tiningala.



"Where are you going, baby?" malambing kong tanong sa kaniya.



"M-Mag-aayos lang muna ako," aniya at umiwas ng tingin sa akin dahil namumula siya. "Gusto ko maging presintable kapag haharap sa mga magulang mo o sa pamilya mo," dugtong niya.



"You don't have to do that, you looked okay with your clothes now, Jaxx. Kahit ano naman kaya ang susuotin mo ay guwapo ka pa rin, malinis, at presintable. Walang dahilan para hindi ka magustuhan nina mommy at daddy."



"But I want to make sure that they'll like me, Zani," giit niya.



"Hindi naman kailangan---"



"I am a traditional kind of boyfriend, Zani," putol niya sa akin. "Malaking bagay para sa akin ang pagtanggap ng pamilya mo sa 'kin."



I chuckled. "My family, my parents, they will love you for who you are, Jaxx. Hindi mo kailangan gumawa ng isang bagay o magsuot ng presintableng damit para magustuhan ka nila."



Sa huli ay hindi nagpatalo si Jaxx sa akin. He's on his usual attire. White polo shirt partnered with plain men short. Para sa akin, kahit ano man susuotin niya ay ang guwapo niya pa rin. Hindi siya nakakasawang tignan, hindi nakakasawang pagmasdan. It feels like I wanted to stare at him all the time.



Jaxxon was the one who drove the car and I just guided him the directions to my parents' place. Jaxxon knows how to drive well now, Aquisha was the one who taught him earlier the way of proper driving. Alam ko kung gaano katamad si Jaxxon sa pagmamaneho pero alam niyang takot na akong magmaneho kaya siya na lang ang gumawa niyon kahit sinabi na niya noon na hindi siya gaano kagaling sa ganito.



Hindi na kasi ako nagmamaneho dahil naaalala ko iyong batang lalaki na nabangga ko, natatakot ako na baka maulit pa kaya tumigil na lang ako. Mas mabuti na lang na tumigil kaysa maulit ang nangyari.



Memories of the Wind (Passion Series #3)Where stories live. Discover now