I was shaking when I went out from the room. Pinalabas ako ng mag-asawa at wala akong magawa kundi sumunod na lang sa kagustuhan nila.
They don't want me around, I can feel it. They don't like that I visited their child. Gusto ko lang naman sana kumustahin at alamin ang kalagayan ng bata kasi lubos akong nilalamon ng konsensya ko gabi-gabi kahit sa katotohanan ay aksidente lamang ang nangyari.
Humakbang ako palapit sa isang nakabukas na bintana. I think I need some air, everything are suffocating me now! Tinanaw ko ang labas ng nasa bintana at nanlaki na lang bigla ang mga mata ko nang makita roon si Jaxxon na may kausap na babae.
Pinaningkit ko ang mga mata ko dahil hindi ko masyado maaninag ang hitsura ng babae pero base sa galaw, postura, at pisikal na anyo nito mula rito sa kinatatayuan ko ay pamilyar siya sa akin. Umawang na lang bigla ang bibig ko nang makitang sinampal niya si Jaxxon. Napaatras ako dahil doon.
Is that Jaxxon's mom? Bakit hinayaan niya lang na sampalin siya ng babae?
He just lowered his head while the woman is telling him something harsh.. maybe? Base kasi sa nakikita ko ngayon ay galit na galit ang babae kay Jaxxon, hindi ko nga lang alam kung bakit, pero sigurado akong masasakit na salita ang binabato niya kay Jaxx. She's really familiar with me. Did I meet that woman somewhere? Parang mas matanda lang siya ng kaunti kay mommy at hindi ko rin masasabi na ina siya ni Jaxxon kasi sa pang-aakto na pinapakita niya'y parang hindi niya anak si Jaxx.
Later on, the woman walked out after slapping Jaxxon for the second time. Kumuyom ang kamao ko dahil sa inis. Pareho akong naiinis kay Jaxxon at sa babae. Bakit sinampal na lang ng babae bigla-bigla si Jaxxon? At bakit hinahayaan lang iyon ni Jaxx?
"You saw it, too, Zani."
I got startled when I heard someone behind me, a man's voice. I did not feel any presence from my back earlier because my attention was on Jaxxon. Unti-unti akong humarap sa lalaking hindi naman pamilyar sa akin, napalingon din ako sa bandang likuran niya at nakitang may isa pang lalaki roon na tahimik na nakapamulsa. These two are doctors based on their suits. They're both wearing white coat, like Jaxxon.
"We finally meet you, Zani. No wonder why Dr. Reyes cannot get over you because you're so.. gorgeous! Mas maganda ka pala sa personal! Akala ko sa picture lang!" puna ng lalaking singkit matapos akong pagsadahan ng tingin.
Hilaw akong napangiti at hindi makasagot. Do I know these two? Or.. are they also Jaxxon's friends?
"I'm Dr. Gregor Poblacion," pagpakilala ng singkit na lalaki ng kaniyang sarili. "And this is Dr. Rios Degollacion," pagpapakilala niya rin ng isa niyang kasama. "Kaibigan kami ni Dr. Jaxxon Reyes. Actually, apat kaming magkakaibigan kaso iyong isa ay wala yata rito?"
Luminga-linga pa siya sa paligid pero nanatili lamang ang aking tingin sa kaniya. Alam ko na kung sino ang tinutukoy niya, si Dr. Reeve Asuncion yata dahil siya lang naman ang nagpakilala sa akin na kaibigan din ni Jaxx. They are all doctors. Dr. Reeve Asuncion, Dr. Gregor Poblacion, Dr. Rios Degollacion, and Dr. Jaxxon Reyes. What a successful kind of circle of friends they are, huh?
"Si Reeve nasa'n na?" tanong ni Dr. Poblacion kay Dr. Degollacion. "Baka busy siguro iyong isa pang kaibigan namin," sabi niya naman sa akin.
Kumibit-balikat na lang ako at lalagpasan na sana ang dalawang lalaki pero pareho nila akong hinarangan. Tinaasan ko sila ng kilay bago isa-isang hinagod ng tingin. I am not in my mood to talk to anyone except Jaxxon. I need to talk to him about the child.
YOU ARE READING
Memories of the Wind (Passion Series #3)
Roman d'amourPASSION SERIES #3: THE WIND Someday, all the wounds and pains I felt will be healed, and even all the scratches that my past has inflicted on me will fade. My memories of someone I love suddenly returned, making me realize that I should accept what...