Chapter 34

264 6 0
                                    

I drifted my eyes back to that bitch. Doon na ako nakaramdam ng inis! She made a face before turning her back to me and walked away. Sinundan ko lang siya ng tingin gamit ang matalim na mata hanggang sa nawala siya sa paningin ko.



She's testing my patience! I am trying to be a better version of myself now, but this damn woman is testing how long is my patience. Kung hindi ako tinawag ng direktor ay baka hindi pa maalis ang masamang tingin ko sa direksyon ng babaeng 'yon.



"Po?" lutang na tanong ko sa direktor dahil mayroon siyang sinasabi na hindi ko maintindihan.



He's clapping his hands, calling the attention of everyone. Napabaling naman ako sa mga bagong dating, sina Eliz at Frith iyon. Mukhang may inayos pa yata sila sa sasakyan bago pumunta rito dahil medyo natagalan sila. Namataan ko rin na tapos nang patayuin ng staffs ang tents. Medyo mainit ngayon kaya kailangan talaga nila magpatayo ng tent para mayroon kaming pag-retouch-han. Naroon na rin yata sa loob ang ibang gamit.



"Meeting, everyone!" the director. "Zani," he gazed me and motioned me to come near him.



"Po?" Medyo naguguluhan pa 'ko pero lumapit pa rin ako sa kaniya.



Ngumiti siya at pinatong ang kaniyang kamay sa balikat ko. Hilaw akong ngumiti sa lahat, lalo na sa mga babae. Masama ang tingin nila sa akin, hindi ko alam kung bakit. Nagawa ko pa ring ngumiti sa lahat sa kabila ng mapanuring titig nila sa akin. That's normal for me anyway, sanay na ako riyan dahil karamihan sa mga modelo, ganiyan ang tingin sa akin, lalo na ang mga kababaihan.



"May favoritism din pala pati rito, direk?" Nagtaas ng kamay ang isang matangkad na modelo at tinanong iyon. "Paano naman kaming palaging talo pagdating sa favoritism, sir?"



"Oo nga, sir!" sang-ayon naman ng isang morenang modelo. "We can vote naman po kung sino ang puwedeng maging leading lady!" suhestiyon pa nito.



Tumawa ang direktor para maibsan ang tensyon sa pagitan ng lahat. Pansin ko na parang lahat yata sila ay may hinanakit sa akin, maliban nga lang sa mga lalaki dahil mukhang normal naman sa kanila na kung ako nga ang pipiliing leading lady.



Mukhang ayaw yata nila sa akin? Or it's just me? Do I still have struggles when it comes to communicating with other people due to my experiences? Pero bakit pakiramdam ko.. ayaw nila sa akin?



"Nakausap ko ang author ng kuwento," panimula ng direktor na nagpatahimik sa mga babae. "She prefers unique lady to be the main character, and Zani fits that. She's humble, unique, and have a pretty face with or without make-up. Napansin n'yo rin na sikat din siya, kapag siya ang pipiliin natin.. maaaring marami ang manonood. She's famous and popular worldwide. Everyone admired, and praised her a lot. She's a good model and if we choose her, there will be development in our agency. I trust her also, she can be a good actress. Si Zani lang ang pag-asa natin dito, sana maintindihan ninyo ako."



"Si Shania rin po sir, ah?" apila pa ng isa ring modelo. "Lahat naman yata rito kami ay sikat, hindi ba?"



"I know, I know. Ayaw n'yo bang umunlad tayo? Baka sa pagkakataong ito.. sa proyekto na ito ay baka sisikat pa tayo---"



"It's okay for me, sir, if I am not the leading lady," I cut him off. "Let's not focus on the popularity and fame, sir, we should focus on making this project better and we should focus on working with one another. If we successfully finish this project, everything will follow."



Ngumiti ang direktor sa akin. "Nothing can change my mind, Miss Evans. You're still the one I want to be the main lead and I trusted you. Sa mga sinabi mo, mas lalo pa 'kong humanga sa 'yo at mas lalo ko pang gigiitin na ikaw talaga ang magiging leading lady. I'm sure it suits you."



Memories of the Wind (Passion Series #3)Where stories live. Discover now