"Sino 'yon?" Jaxxon asked me when we were left in the table alone.
Katatapos lang naming kumain sa niluto ng dalawang matanda at masasabi ko ngang masarap ang luto, mukhang sa kanila nagmana si Jaxx pagdating sa pagluluto dahil nalalasahan ko sa luto nila ang luto ni Jaxx sa akin.
Simpleng pinaghalong seafood ang kanilang niluto at mayroon ding shrimp na nilagyan ng softdrink. This was my first time eating that and I don't know what kind of dish was that. Ang tanging maisatinig ko lang ay sobrang sarap ng pagkaluto ng dalawang matanda. Busog na busog nga ako dahil sa dami ng kinain ko, pansamantalang nakalimutan ko na diet pala dapat ako. Mapapagalitan ako nito kapag nagkataon pero madadala naman sa waist trainer kapag magkabilbil ako.
Dalawa na lang kami ni Jaxx ang naiwan dito sa hapag dahil umalis na sina Eliz, Frith, at Vixen, kasama ang mga tauhan ni Mr. Montenegro, matapos nilang kumain. Anila'y may pupuntahan pa raw sila, si Eliz naman ay maghahanap ng matutuluyan niya.
"What?" tanong ko kay Jaxx dahil hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya sa kaniyang tanong. "Sino ang sino?" lito ko pang dugtong.
He sighed and leaned on the backrest of his seat. "Christof Cruz," tipid niyang sabi. "Who is it? Do you know that guy? Have you met him before?" he planted me questions.
"Yeah," tipid kong sagot at tumiim-bagang. "May atraso pa sa 'kin 'yon."
"Atraso?" Napatuwid siya ng upo sa narinig mula sa akin.
"Yes! He's my classmate when I was in grade 6 at bully siya! Binu-bully niya ako noon!" sumbong ko pa kay Jaxx.
"What? He bullied you?" Kumunot naman ang noo niya.
"Oo, tapos nagpakalat pa siya sa buong campus na kami na raw!" patuloy ko na kuwento kay Jaxx. "Alam mo 'yong feeling na 'yon, Jaxx? Hindi ba siya nandidiri sa sarili niya? At isa pa, ang bata-bata pa naman namin noon! Imagine, we're grade 6 and he told everyone na kami na raw kaya hayun.. pareho kaming pinapunta sa guidance dahil sa pag-eeskandalo niya. Pinagalitan kami kasi ang bata-bata pa raw namin kaya hayun.. may warning kami sa guidance."
Hindi sumagot si Jaxx kaya binalingan ko. Nakapangalumbaba siya at parang may iniisip nang silipin ko ang mukha niya. When he turned to me, I gave him a small smile. Ngumiti naman siya at hinaplos lang ang pisngi ko.
"Ang daldal ko pala," I stated in a matter of fact and chuckled. "Sorry, hanggang ngayon kasi ay buo pa rin sa ala-ala ko ang ginawa ng lalaking iyon kahit matagal na panahon na 'yon."
"Don't mind him," maiksing sabi ni Jaxx. "Ignore your past with that man and just focus on your career."
"Paano nga kung siya ang makaka-partner ko?" Lumabi ako at napaisip din na ilang taon na kaming hindi nagkikita ng lalaking iyon, siguro'y nakalimutan na ako niyon. "Hay.. hindi bale na nga lang, baka hindi na ako kilala niyon." Bumuga ako ng marahas na hininga matapos sabihin iyon.
"Just learn to deal with him," tanging opinyon ni Jaxx. "Ang mahalaga lang naman ay gagawin mo ang trabaho mo," pangaral ni Jaxx sa akin.
Hilaw akong ngumisi, medyo nahiya sa kaniya. "A-Ay oo! Tama! Tama ka!" sang-ayon ko sa kaniya.
"If that man bullies you again.. just tell me," sabi pa niya.
My lips rose. "Bakit? Ano'ng gagawin mo?" I asked him in a challenging tone.
"I'll just do my part as your boyfriend," he simply answered.
YOU ARE READING
Memories of the Wind (Passion Series #3)
RomancePASSION SERIES #3: THE WIND Someday, all the wounds and pains I felt will be healed, and even all the scratches that my past has inflicted on me will fade. My memories of someone I love suddenly returned, making me realize that I should accept what...