Chapter 1

3.5K 74 7
                                    

Yuan Rei

" Good morning sir!" bati ko sa kadarating lang na customer. Isang ngiti naman ang iginawad niya kaya ngumiti rin ako pabalik. " What' your order sir?" I ask habang siya naman ay busy sa kakatingin kung anong order ang kukunin niya.



I'm a College graduating student, dahil sa hirap ng buhay at wala rin naman na akong pamilya, kumuha ako ng part time job para may pang gastos ako araw-araw. Alam kong mahirap pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho pero wala naman akong choice. Kailangan ko ring makapagtapos dahil sigurado naman akong kaya ko ang kurso na kinuha ko.



Business ang kinuha ko, hindi ko rin alam kung bakit pero nakikita ko ang sarili ko sa business. Mahilig rin kasi akong mag imbento sa isip ko ng kung ano-anong bagay na patok sa pagiging businessman.


" One americano and caramel machiato please" nagtype naman ako sa screen habang sinasabi nya ang order na kukunin niya.


" Anything else sir?"


"Wala na" saad niya kaya inasikaso ko na ang total at binigay sa kanya ang resibo. Mabilisan naman siyang nagbayad.


Ilang minuto lang ang lumipas ay lumabas na si Bea dala-dala ang isang americano at caramerl machiato. Nalalaman narin kasi agad ang order na kukunin ng customer dahil meron ring screen sa kusina ng cafe na ito.


" Thank you for coming sir!" Usal ko at ngumiti muli. Tumango lang ito at umalis narin.

Napabuntong hininga naman ako at bumaling kay Bea. Mabuti nalang at hapon na, wala na masyadong customer na pumupunta dito. Mas mabenta talaga kami sa umaga dahil maraming student ang pumupunta dito.


" Nakakapagod naman gumawa ng mga kapeng yan" reklamo ni Bea. Tumawa naman ako at napailing. Sumandal ako saglit dahil nangangawit na ang likod ko kakatayo. " Mabuti ka pa, taga kuha lang ng order"


"Nakakapagod rin ngumiti sa customer Bea lalo na kung panget yung pakikitungo sayo ng customer" Hindi kasi maiwasan na magkaroon kami ng customer na siya pa ang galit kahit kasalanan nya. Kahit mali sila ang sasabihin lang nila ay "Customer is always right" Bulok na ang katagang yan pero ayan ang ginagamit nilang panakot saming mga empleyado.


" Yuan, hindi ka ba nagtataka?" Napatingin ako kay Bea, nagtataka naman ako dahil sa sinasabi nya.


" Saan?" Tanong ko


" Halos araw-araw na kasing nandito yung dalawa iyon oh" sabay turo niya sa dalawang lalaki na nakaupo at napaigtad naman ako dahil nakatingin sila sa amin or sa akin?


" Baka gusto lang talaga ng mga coffee dito kaya ganon" usal ko naman. Totoo naman ang sinabi ni Bea na halos araw-araw na nandito yung dalawang lalaki na ito. Oorder lang sila ng isa at halos magdamag na silang nandito. Hindi naman namin sila pwedeng paalisin dahil pagagalitan kami ng may-ari ng cafe na ito.


" Ang creepy lang kasi eh " sabay tawa niya. Anong creepy doon?


" Nahihibang ka nanaman, wala naman masama kung nandito sila" saad ko at muling tumingin sa dalawa. Nakatitig parin sila sa akin. Anong problema nila? Parang kanina pa sila nakatingin sa akin


" Kanina kapa tinitignan oh, baka type ka" mabilis ko naman siyang pinalo sa braso at tumawa lang siya.

" Anong type? Manahimik ka nga diyan! Mamaya marinig ka sabihin pang assuming ako" usal ko at mukhang wala naman pake si Bea dahil tuloy parin ang pang-aasar niya.


Aaminin ko naman na bakla ako. Pero hindi naman halatang bakla ako dahil maraming nagsasabi na mukha akong babae kahit na gupit lalaki pa ako. Payat ako at kahit anong gawin kong kain at hindi ako tumataba. Kuntento naman na ako kung anong itsura ko, ayoko lang ng maraming tao na pumapansin sa itsura at pistura na meron ako.


The Obsession Series 1: Augustus and Lucius PartridgeWhere stories live. Discover now