Sorry for the long wait, advance merry christmas and happy new year!!
Yuan
Hindi ko inaasahan na ganito pala kayaman si Virgo, nandito na kami ngayon sa bahay nya or should i say mansion. Dinaig pa nito ang bahay ng isang presidente, kahit sino siguro mamangha dahil may ginto pa mismo sa mansion na ito. Hindi ba sila pinapasok ng magnanakaw? I'm very sure ilang beses na may nagtangkang magnakaw dito.
Ang dami ding tao at halatang mga yayamanin, hindi ko tuloy maiwasan manliit at mahiya. May mga tumitingin pa sakin at biglang nagbubulungan, hindi siguro sila komportable na makita ako kasama ang dalawa na ito. Sinabi ko naman sa kanila na layuan ako pero mas lalo lang silang sumiksik sa akin.
" You're shaking" umangat ang tingin ko kay August. Naka kunot ang noo nya habang nakatingin sa akin, hindi ko maiwasan na mamangha sa mukha nya.
" Kinakabahan lang" sagot ko.
" Silly, there's no reason for you to be nervous" ngumiti sya ng tipid dahilan para mapangiti narin ako.
Naudlot ang moment namin nang tawagin kami ni Virgo at may kasama pa syang isang lalaki. " Augustus! Lucius!"
Tumatakbong lumapit sa amin si Virgo at ng tuluyan na syang makalapit at malawak ang ngiting binigay nya samin. " Hello there Yuan"
" Hello Virgo, happy birthday! Pasensya na wala akong dalang regalo sayo" bati ko. Gusto ko sanang bigyan sya ng regalo pero nawalan na ako ng oras para bilhan sya.
" It's okay, sapat na ang regalo ng dalawang ito" nadako ang tingin ko sa dalawa na nakasimangot na.
" I will just update you bastard" isang ngisi naman ang ginawa ni Virgo.
" Good evening Yuan" napalingon ako kay Viper na nakangiti na sa akin ngayon. Sya pala ang kasama ni Virgo, masyado siguro silang close nitong si Virgo kaya palagi silang magkasama.
" Good evening din Viper" napaawang naman ang bibig ko nang may biglang kamay ang pumulupot sa bewang ko at pinisil pa iyon.
" Walang maganda sa gabi kung ikaw ang babati" nakangising saad ni Lucius pero halata ang inis sa mga mata nya. Nag alala naman ako na baka gumawa pa sila ng eksena at ayokong mangyari yun dahil nakakahiya kung magkataon.
" I didnt even greet you, i'm talking to Yuan" sagot naman ni Viper. Tumingin naman ako kay Virgo na halatang walang pake at kay Augustus na mukhang nagtitimpi na lang din. Hindi ko malaman kung anong problema nila kay Viper mabait naman na tao si Viper at mukhang wala namang balak na masama.
" I didn't even give you persmission to talk to him"
" Why bother? I can talk to him whenever i want, hindi nyo naman sya pag-aari" matiim nyang tinitigan si Lucius.
" Fuck off! He's mine!" Naalarma ako nang sumigaw na si Lucius at halatang gusto nya ng sugudin si Viper. Hinawakan ko naman ang kamay nya dahilan para tumingin sya sakin. Maya-maya lang ay nanlambot ang tingin nya at napa buntong hininga.
Tumingin naman ako kay Viper na nakatitig ngayon sa magkahawak kamay namin ni Lucius at parang may kung anong emosyon akong nakita sa mga mata nya. Umiling na lang ako at sinawalang bahala na lang ito.
" Tapos na? Akala ko magsusuntukan pa kayo eh sayang naman" saad ni Virgo.
" Let's go" saad naman ni August.
Hindi nya man lang pinigilan itong si Lucius, mukhang mag eenjoy pa ata syang makita na magsuntukan ang dalawa. Gusto ko talagang malaman kung ano ang problema nilang dalawa kay Viper.
YOU ARE READING
The Obsession Series 1: Augustus and Lucius Partridge
RomansaAugustus and Lucius are siblings. Magkapatid man ngunit iisa lamang ang tumatakbo sa utak nila. Nakukuha nila ang lahat ng gusto nila kaya makukuha rin nila ang isang lalaking nagpatibok ng puso nilang dalawa. " You're ours and you can't do anythin...