Chapter 21

1.3K 35 2
                                    

Sorry for the long update guys, Enjoy Reading!

Yuan

Nagising ako na wala na sa loob ng cottage ang dalawa. Hindi pa sana ako babangon pero kumalam ang sikmura ko, kakain ko lang kanina pero ngayon gutom nanaman ako. Tumayo ako at kumuha lang ng jacket dahil ramdam ko mula dito sa loob ang malakas na simoy ng hangin na nanggagaling sa labas.

Dumiretso ako sa bahay na pag-aari ni tito Vel. May sarili naman silang bahay dito, hindi ko lang maintindihan kung bakit gusto pa nila August at Lucius na sa cabin kami matulog. Alam ko na ang nasa isip nila kaya hindi ko na pinapansin pa. Manyakis talaga ang dalawa na iyon.

Sakto lang ang bahay ni tito Vel, may ilang kwarto lang din na sapat sa aming lahat. Kumatok lang ako sa pinto at binuksan iyon. Walang tao sa living room kaya dumiretso ako sa kusina.

" Ahm you are Yuan diba?" Napalingon ako sa isang lalaki na nagsalita sa gilid ko. Mas matangkad lang ako ng unti sa kanya at mukha syang babae pero lalaki talaga sya. Maputi sya at maganda ang hugis ng mukha, pamilyar sya sa akin. Sya ata ang asawa ng pinsan ni August at Lucius.

" I'm Yuan and you are?"

" Zamora.. P-partridge" parang nag aalinlangan nya pang sabi. " Wala dito sila tito Vel dahil may pumunta silang bayan"

Tumango naman ako at naupo sa counter bar. Nahihiya naman akong galawin ang ref dito dahil may kasama ako at sabihan pa akong patay gutom. Napatingin naman ako kay Zamora na nakatitig rin pala sa akin.

" N-nagugutom ka?" Tumango naman ako. " May hinanda akong meryenda, sakto dahil may sobra naman" pumunta sya sa ref at binuksan iyon.

Naglaway naman ako dahil Carbonara ang luto nya. Hindi ko inaasahan na marunong syang magluto. Marunong ako pero hindi naman ganoon kape-presyonal. Kinuhanan nya ako ng plato at kubyertos at sya pa mismo ang nagsalin ng pasta sa plato ko.

Agad ko naman itong kinain at halos mapapikit ako sa sarap. Ngayon lang ulit ako nakakain ng Carbonara.

" Masarap ba?"

" Oo masarap, thank you ah? Nagugutom na kasi talaga ako" saad ko.

" Okay lang mabuti nalang talaga at nagluto ako" umupo naman sya sa harap ko at pinanood pa ako kumain.



" How long have you been with Kuya Augustus and Lucius?" Kuya? Yun ang tawag nya sa dalawa? Sabagay mukha talagang bata itong si Zamora mas bata pa nga sya sa akin.



Napaisip naman ako bigla kung gaano na ba ako katagal kasama ang dalawa. Hindi ko alan kung gaano na katagal, parang ang bilis naman ng panahon. Parang kailan lang nung palagi akong umiiyak tuwing gabi kakaisip kung paano ako tatakas sa kanilang dalawa.



" I don't exactly know, how about you? Sa pagkakaalam ko asawa ka ng pinsan nila" Natatandaan ko kasi na pinakilala sya bilang asawa ng pinsan nila August.



Kita ko naman ang biglang paghinto at tahimik nya. Nawala ang mga ngiti sa labi nya na kanina pa nya pinapakita sa akin. Kumurap-kurap pa sya at ngumiti ulit pero ngayon ay pilit na ngiti nalang.



" Mag iisang taon narin ata" bulong nya.


" Mabuting asawa ba sya sayo?" Wala sa sariling usal ko. Halata kasi sa mga mata nya ang lungkot at may kakaiba pang emosyon ito. Parang nakikita ko ang sarili ko sa kanya. " Sorry hindi ko rin alam mga pinagsasabi ko. Wag mo nalang sagutin "



" M-mabuting asawa naman si Krypton" umangat ang tingin ko sa kanya. Nakayuko na sya ngayon at nilalaro ang mga daliri nya. " A-ako lang talaga ang problema"



The Obsession Series 1: Augustus and Lucius PartridgeWhere stories live. Discover now