Warning: SLIGHT MATURED CONTENTYuan
Halos dalawang araw na atang walang imik si August sa amin ni Lucius. Hindi nya kami kinakausap, at kahit tapunan ng tingin ay hindi nya nagagawa. I think nagtatampo talaga sya or maybe he is just jealous. I didn't know that August have a side of this, it's expected tho but i just can't believe he is acting like this now.
Kahit ang kapatid nya ay hindi nya pinapansin at palagi syang galit dito, tinatawanan nalang tuloy sya ni Lucius. Sa tuwing kakausapin ko naman si August ay iniiwasan nya ako or bigla nyang sasabihin na may ginagawa sya.
Napabuntong hininga nalang ako habang nakatitig kay August na busy sa laptop nya. Ayoko naman syang lapitan dahil hindi nya rin naman ako papansinin.
" Just let him be Yuan" napatingin ako kay Lucius na hindi ko namalayan na tumabi sa akin.
" Ilang araw ka na rin nyang di pinapansin, okay lang sayo?"
Ngumiti naman sya sa akin at hinawakan ang pisnge ko. " I don't care about him"
" Try to comfort him baka bumigay sya sayo" napataray naman ako sa sinabi nya. Comfort August? Like hell i would. Hindi ko naman sya boyfriend para suyuin or comfort ko, isa pa ayoko lang talaga may kasama na tulad ni August ngayon. Kapag ganito ang pakikitungo nila sa akin at pinapatagal nya, bandang huli ay ako ang nagagalit.
" Kung ayaw nya mamansin edi wag!" Malakas na sigaw ko at tumayo. Bahala sya sa buhay nya, ang daming arte.
Sino ba sya sa akala nya? Ang lakas rin ng saltik.
Umakyat nalang ako sa taas at naligo nalang. Walang pasok ngayong ang dalawa dahil linggo at kung hindi ako nagkakamali ay sa Tuesday na ang birthday ni tito. I'm not even sure if we will attend his birthday party dahil hindi naman kumikilos ang dalawa. Napaisip tuloy ako kung bibigyan ba nila ng regalo ang papa nila or hindi na.
Minsan gusto ko itanong ang tungkol sa totoong nanay nila na nag luwal sa kanila sa mundong ito pero masyadong personal ang tanong na iyon. Baka sabihin pa ng dalawa na feeling close ako. Ayoko manghimasok sa buhay nila, kung hindi sila nagkukuwento pwes ayoko ang magtanong.
Matapos ko maligo ay nagbihis na ako at pinatuyo ang buhok ko. Wala naman akong magawa dito sa mansyon na ito bukod sa humiga, maligo, maglinis at kumain. Isama mo narin ang makipag sex sa kanila.
Dahil sa naisip ko ay hindi ko maiwasan ang nangyari sa amin ni Lucius. Tinawag ko lang naman syang daddy! Nakakahiya! Hindi ko alam ma madadala ako ng init ng katawan at masasabi ko ang bagay na iyon. Gusto ko nalang magpalamon sa lupa.
Pero ginusto mo naman
Sinuklayan ko nalang ang buhok ko at isinabit ang towel na ginamit ko. Kumpleto rin talaga ang mansyon na ito sa gamit. Mukhang hindi rin naman hahayaan nila August na hindi kumpleto ang gamit dito, sa yaman nila siguradong mabibili nila ang lahat.
Dumiretso ako sa terrace ng kwarto at tumambay doon. Nakatayo lang ako habang nakatingin sa paligid. Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon para tumambay dito. Napapikit ako dahil biglang humangin ng malakas.
" Hmmm" siningot ko ang simoy ng hangin dahil ramdam ko ang presko nito. Nakakamiss tuloy ang hangin ng probinsya. Minsan na akong napunta doon dahil sinama ako ng nag alaga sa akin simula bata. Doon ko rin nakilala ang taong naging mahalaga sa akin.
Napadilat naman ako sa naalala ko bago napangiti ng mapakla. Hindi ko alam na sa pagkakataon na ito at maiisip ko pa iyon, ang hirap kalimutan ng nakaraan.
YOU ARE READING
The Obsession Series 1: Augustus and Lucius Partridge
RomantizmAugustus and Lucius are siblings. Magkapatid man ngunit iisa lamang ang tumatakbo sa utak nila. Nakukuha nila ang lahat ng gusto nila kaya makukuha rin nila ang isang lalaking nagpatibok ng puso nilang dalawa. " You're ours and you can't do anythin...