Chapter 25

1.4K 43 7
                                    

Sorry for the long update guys, enjoy reading babies mwah!

Yuan

Nandito ako ngayon sa kwarto, kakatapos ko lang maligo at kasalukuyan akong nagpapatuyo ng buhok. Bigla ko na naman naalala ang nakita ko sa leeg ni Lucius.


"H-hindi nya naman gagawin yun diba?" Wala sa sariling usal ko. Hindi naman malabong magbago ang isip nilang dalawa ni August, dadating ang araw na magigising sila sa katotohanan na babae talaga ang magugustuhan nila.



Napabuntong hininga ako at humiga na lamang sa kama para kahit papaano ay umayos ang pakiramdam ko. Napapikit ako ng maramdaman ko ang katahimikan sa paligid ko. Naalala ko si August at Reiko, sigurado akong magkakasundo na din ang dalawa na iyon.



Tama ang hinala ko na gagaan din ang loob nila sa bata, hindi ko alam bakit ayaw nila sa bata na tulad ni Reiko. Mabuting tao naman si Reiko kahit makulit ay nakikinig. Alam nya ang dapat nyang gawin sa oras na pagagalitan mo sya.

Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ko ang pagpatong ng kung sino sa ibabaw ko at bigla na lang nyang sinunggaban ang leeg ko. Kinagat ko ang labi ko nang halikan nya iyon at dilaan pa.



" Yuan baby" nang marinig ko ang boses ni Lucius bigla ko na lang syang tinulak at tumayo. Nabigla ako nang makita ko syang nakahiga sa sahig. " Yuan?"



Nagtataka siguro sya kung bakit ko ginawa iyon. Umiwas ako ng tingin at akmang lalabas na ng hatakin nya ako at hawakan ang magkabilang balikat ko. Napatingin ako sa mga mata nya, pawang nangungusap iyon at nagtatanong.




" Baby are you mad at me? may nagawa ba ako? tell me hmm??" kagat labing umiwas ako ng tingin sa kanya. Hindi nya ba alam yung kasalanan nya? wala siguro syang balak sabihin ang tungkol sa leeg nya. Bigla na naman nag init ang mga mata ko kaya nagpumiglas ako sa pagkakahawak ni Lucius pero sadyang malakas talaga sya.




Napapikit ako nang ipagdikit nya ang mga noo namin. " Please talk to me Yuan"




" May posibilidad bang magkagusto ka sa babae Lucius?" humugot ako ng maraming lakas ng loob para itanong iyon sa kanya.



" none baby" none? pero bakit may hickey sya at amoy babae pa? niloloko nya ba ako? mas lalong nag init ang mata ko pero pinigilan ko ang sarili ko na umiyak.




" Why did you ask?"




" B-but lucius, you can't dent that someday gugustuhin mo ding magkaroon ng anak diba? babae lang ang makakapagbigay sayo non, sainyo.." nanatili syang tahimik.




" normal na tao lang ako samantalang parang mga diyos na kayo, maraming magaganda at mas deserving dyan. Baka nalilito lang kayo, baka confused lang kayo sa nararamdaman nyo, baka parausan nyo lang pala talaga ako, baka babae tal-"





" YUAN!" nagulantang ako sa malakas na sigaw ni Lucius. Tiim ang bagang na nakatitig sya sa akin pero bigla ding lumambot ang ekspresyon nya. Nilagay nya sa magkabilang pisnge ko ang mga kamay nya at pinunasan ang mga luha kong hindi ko na napigilan pa.




" Yuan what are you saying? ganyan ba ang tingin mo sa amin? sa sarili mo?"




Hinalikan nya ako sa noo " Never in my life na nagkagusto ako sa babae Yuan, if you just know how many years we like you, how we handle our patience just to be with you. We love you so much Yuan, i fucking love you baby"



Mahal nya ako? Pero ano ang nakita ko kanina? Hindi ko alam ang paniniwalaan ko. Napaangat ang tingin ko sa kanya at unti-unti iyong bumaba sa leeg nya.




The Obsession Series 1: Augustus and Lucius PartridgeWhere stories live. Discover now