Yuan
" It looks delicious! I didn't know that you can cook Yuan" nakangiting umupo naman si Caezar at nagsimula ng magsandok. Naisipan kong magluto ngayong gabi dahil na-realize kong halos ilang buwan na rin akong hindi nakakapagluto. Marunong naman ako dahil nga mag-isa lang ako sa apartment ko noong hindi pa ako napupunta dito sa mansiyon na ito. Sadyang mapilit lang sila August at Lucius na huwag akong pakilusin dito sa bahay kaya hindi ko magawa kahit manlang maglinis, kung magawa ko naman ay panay mga katulong ang nakakatanggap ng sermon nila kaya hindi ko na inulit pa, ayoko namang mangyari ulit iyon lalo't iba sila magalit.
" Thank you for this food kuya, itsura pa lang masarap na eh!" Napangiti naman ako sa sinabi ni Cyrus at pinagsandok sya. Kung may weirdo man sa kanilag tatlo, masasabi kong si Cyrus na yun. Bukod sa pagiging madaldal, mahilig din magpa-baby ang isang ito. Ewan ko ba pero nasa lahi na talaga siguro nila ang pagkakaroon ng saltik pero kahit na ganoon magaan ang loob ko kay Cyrus maliban na lang talaga kay Chrost.
" Masarap talaga yan Cyrus, paborito ko yan sa totoo lang"
" Tss"
Napalingon ako kay Chrost at hinihintay na tikman nya ang niluto ko. Halos pagpawisan ako kahihintay sa reaction at sasabihin nya. Isang kilalang Chef si Chrost sa pagkakaalam ko kaya kinakabahan ako para sa sarili ko, ayokong mapahiya sa kanya. Blangko lang ang reaction nya, pinunasan nya ang bibig nya at tumingin sakin.
Napabalikwas naman ako nang titigan nya ako ng mariin. Anong problema nito? Hindi ba sya nasarapan sa luto ko?
" What do you think brother? Taste good right? " Ngising saad ni Caezar
" I don't know that this kind of food exist" saad naman ni Cyrus at tumawa ng malakas. May saltik talaga tsk.
" What do you call this food again?" Napalunok ako ng mariin dahil sa kaba, sobrang lamig talaga ng boses nya.
" A-ahhh... c-chop suey" at hindi ko inaasahan ang sunod na ginawa nya. Hindi ako makapaniwalang magagawa kong mapangiti ang isang Chrost!
" What the fuck? Did you just smile? Are you fucking serious?" Gulat na usal ni Caezar, nakanganga pa sya at natatawa-tawa pa.
" Damn! I knew it! Iba ka talaga Kuya Yuan!" Sigaw naman ni Cyrus at tumawa-tawa kasabay si Caezar.
" Now i know why my cousin's crazy about you Yuan" saad ni Chrost at bumalik na sa kinakain nya. Napangiti na lang ako nang wala sa oras at nagsimula na ring kumain.
Sana matikman din nila August at Lucius ang luto kong ito, gusto ko sanang sila ang unang makatikim ng luto ko pero wrong timing talaga kahit kailan. Napabuntong hininga na lang ako at sumabay sa pag-uusap ng tatlo.
Gabi na at hindi ko maintindihan kung bakit ayaw pa umuwi netong si Cyrus. Si Caezar ay nauna ng umalis gayon din si Chrost dahil alam ko namang hindi na makatiis na umalis iyon. Pero etong si Cyrus? Wala atang balak umalis.
" Bakit hindi ka pa umuwi? Nauna pa sayo si Caezar ah?" Tanong ko. Blangko ang mata na tinignan nya naman ako at binalik na ulit ang tingin sa tv. Kung maldito lang ako, kanina ko pa sya sinapak tsk. " Hoy?"
" Eh sa ayokong umuwi eh, nag eenjoy pa akong kasama ka hehehehe" wtf? Seryoso ba ang isang toh? Pag nalaman ng dalawa ang tungkol dito, ewan ko na lang kung makatapak pa sa mansiyon ang isang toh. Nailing na lang ako at umupo malayo sa kanya. " Seriously, kailangan kitang bantayan Yuan that's why i'm still here, my brother needs to do something kaya ako ang naiwan dahil hindi naman ako busy tulad nila" seryosong saad nya dahilan para magitla ako, ngayon nya lang ako tinawag sa pangalan ko.
YOU ARE READING
The Obsession Series 1: Augustus and Lucius Partridge
RomansaAugustus and Lucius are siblings. Magkapatid man ngunit iisa lamang ang tumatakbo sa utak nila. Nakukuha nila ang lahat ng gusto nila kaya makukuha rin nila ang isang lalaking nagpatibok ng puso nilang dalawa. " You're ours and you can't do anythin...