Nagising ako na masakit ang ulo at katawan. Isang hindi pamilyar na kwarto ang bumungad sa akin. Hindi ko alam kung nasaan ako, ang huling natandaan ko lang ay nahampas ako sa ulo.
Kinapa ko ang ulo ko at isang pasasalamat nalang dahil meron na akong benda. Hindi ko akalain na magagawa sa akin nila Augustus at Lucius ito, sa pagkakatanda ko naman ay wala akong ginawang masama sa kanila bukod sa hindi pag pansin sa kanila ng mga nakaraang araw.
Sinasabi ko na nga ba, hindi talaga sila dapat pinagkatiwalaan. Kakaiba na rin kasi ang naramdaman ko sa kanila nung una palang. Bigla tuloy ako binalot ng kaba, halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Galit, lungkot at dismayado.
Pero isa lang ang dapat isipin ko, paano ako makakalabas sa lugar na ito? Anong kailangan nila sa akin?
Mas lalo akong binalot ng kaba dahil bumukas ang pinto ng kwarto, ngayon ko lang napansin na napaka ganda ng kwarto na ito.
" You're awake" napatingin ako kay Augustus. Ganon parin ang mukha nya, walang emosyon at seryoso lang.
"A-anong kailangan nyo sa akin? Nasaan ako? Pakawalan nyo ako!" Sigaw ko kahit kinakabahan. Feeling ko kaya nila akong saktan ano mang oras.
Tinitigan nya lang ako ng mariin bago lumapit sa akin pero bago pa sita tuluyan na makalapit at lumayo na ako sa kanya at sumiksik sa gilid.
" You just have to behave Yuan" bulong niya. Tinignan ko naman siya ng masama pero wala lang iyon sa kanya.
" You expect me to behave like an idiot? Hindi normal ang ginawa nyo sa akin! Pinukpok nyo lang naman ako sa ulo at dinala sa lugar kung saan hindi ko alam! Iuwi nyo na ako! May pasok ako at may trabaho pa! " Sigaw ko.
" You don't have to study or work in that shit place" narindi naman ang tenga ko sa sinabi nya.
" Ano? Tangina! May pangarap ako Augustus! Hindi ako mayaman tulad nyo and stop calling our cafe a shit place or what! Doon ko kinukuha ang pera ko kaya wala kang karapatan!"
Kinabahan naman ako nang biglang sumama ang tingin nya sa akin.
" Don't curse at me" madiin na sabi nya.
Ano bang gusto ng mga ito? Kinakabahan man ay tumingin parin ako sa kanya. Ako dapat ang nagagalit dito dahil kinuha nila ako ng biglaan.
" Let me go Augustus, kung ano mang kalokohan ito ay tigilan nyo na dahil hindi nakakatuwa" mariin na usal ko.
" This is not a joke cariño" napatingin ako sa kakapasok lang na si Lucius. Seryoso ang mukha nya hindi tulad nakaraan na nakangiti.
Anong cariño ang sinasabi nito?
" Starting for now, dito ka na titira at mag-aaral. We can provide you everthing"
Napatayo ako. " H-hindi na talaga maganda ang biro niyo, kung galit kayo dahil hindi ko kayo pinansin dahil sa maliit na bagay lang pwes sorry pero aalis na ako. " Usal ko at naglakad papunta sa pintuan para lumabas pero bago pa ako makalabas at may humatak sa braso ko at isinandal ako sa pader.
" You're not going anywhere, you stay here in our house" Kumunot naman ang noo ko. Our house? Nahihibang na talaga ang mga ito.
" A-ano ba? Bitawan mo ako" pilit akong umaalis sa pagkakasandal niya sa akin sa pader pero sadyang malakas siya.
Nagulantang naman ako dahil sa biglang paghawak niya sa pisnge ko at dahan-dahan hinimas ang mukha ko. Tinitigan ko siya ng masama at iniwas ang mukha ko sa kanya.
YOU ARE READING
The Obsession Series 1: Augustus and Lucius Partridge
RomanceAugustus and Lucius are siblings. Magkapatid man ngunit iisa lamang ang tumatakbo sa utak nila. Nakukuha nila ang lahat ng gusto nila kaya makukuha rin nila ang isang lalaking nagpatibok ng puso nilang dalawa. " You're ours and you can't do anythin...