Chapter 2

2.5K 68 5
                                    

Hanggang ngayon ay naiisip ko parin ang ginawa ni Augustus sa akin. Para kasing niyakap niya ako nung pinatong nya yung jacket sa akin. Hindi naman sa binibigyan meaning ang bagay na iyon pero binabagabag ako ng nararamdaman ko sa ginawa niya.


Nandito ako ngayon sa school at kumakain kasama ang mga kaibigan ko. Kaklase ko na sila simula first year, mabuti nalang kaibigan ko parin sila hanggang ngayon.


" Are you okay? Lalim ng iniisip mo" napatingin ako kay Vlad na nag-aalalang nakatingin sa akin. Ngumiti naman ako at tumango.

" Okay lang ako may iniisip lang" saad ko


" Ano naman yan? " Tanong ni olivia


" Wala, hindi naman importante" usal ko nalang. Nahihiya akong sabihin sa kanila ang bagay na iyon.


" Sige sabi mo eh" usal nalang ni Olivia habang si Vlad naman ay seryosong nakatingin sa akin pero ngumiti nalang ng bahagya.


" Oo nga pala, next week na ang vacation natin, i'm so excited!" Hiyaw ni Olivia. May bakasyon kasi kami ng isang linggo at next week na ang umpisa. Nagyaya si Olivia na mag boracay at sinabi ko na wala akong pera pero sagot na daw nila ni Vlad.


Galing sa mayaman na pamilya si Vlad at Olivia kaya minsan nagtataka ako bakit ako ang kinaibigan nila gayong mahirap lang naman ako.


" We should go get some things already right? And don't fucking worry Yuan, we got you" natatawa nalang ako na kumain dahil sa inaasal ni Olivia. Kababaeng tao pero ang hilig mag mura, sa tingin ko bagay silang magkakilala ni Bea.


Hindi ko kaklase si Bea dahil sa ibang school siya nag-aaral at iba rin ang kurso nya. Naging kaibigan ko lamg sya dahil sa part time job ko.


" Ano pa bang magagawa ko? Kahit ata tanggihan ko kayo ay di kayo papayag" saad ko.


" I'm glad you know" usal ni Olivia.


" Malakas ka naman samin Yuan kaya don't worry" saad naman ni Vlad na ikinangiti ko nalang.


AFTER school ay diretso agad ako sa part time job. Habang naglalakad ako papunta sa cafe, nararamdaman ko na may nakatingin sa akin kaya huminto ako sa paglalakad sabay tingin sa mga paligid. Wala naman tao kaya tumuloy nalang ako.


Sa mga araw na nagdaan ganito palagi abg pakiramdam ko, parang may nagmamasid sa akin at binabantayan ang bawat galaw ko. Isinasawalang bahala ko nalang dahil baka guni-guni ko lang naman iyon.


Pagkadating sa Cafe, nagbihis lang ako at nagsimula ng magtrabaho. Hindi naman kami makadaldal ni Bea dahil ang daming customer ngayong araw.


Habang busy kausap ang customer ay nahagip ng mata ko si Augustus at Lucius na nandoon nanaman sa dating pwesto nila. Umiwas lang ako ng tingin dahil bigla silang tumingin sa gawi ko.


After ng ilang oras na pagtatrabaho ay nakapag pahinga na kami ni Bea. Inayos nalang namin ang mga kalat at hinihintay na matapos ang duty namin.


" Good work guys" usal ni Lucius. Hindi ko napansin na nakalapit na pala sila sa amin ngayon.


" Thank you" pasasalamat ko. Lumaki naman ang ngiti niya. Hindi makapagkakaila na sobrang gwapo niya sa tuwing ngumingiti siya.


" Hoy! Kanina ka pa nakatulala kay Lucius teh" doon lang ako nabalik sa ulirat. Kanina pa ba ako nakatitig sa kanya? Nakakahiya naman. Namula ang mga tenga ko at umiwas agad ng tingin.


The Obsession Series 1: Augustus and Lucius PartridgeWhere stories live. Discover now