Sorry sa matagal na update guys, sobrang busy lang and broken si author haha, anyway enjoy reading!
Yuan
Its been one week since something happen between us three. That night was the most unforgettable night for me. Sino namang hindi makakalimot sa gabi na iyon? Halos halimaw na ata ang kasama ko.
Nandito ako ngayon sa likod ng bahay at inaasikaso ang mga tanim na halaman at bulaklak ko. This past few days kasi ay nahilig ako sa mga bulaklak at mga halaman, nagkaroon na rin pala ako ng cellphone dahil hindi ko na rin talaga matiis kaya pinilit ko na silang dalawa. Ayaw pa nga sanang pumayag ni Lucius pero kinausap na lang sya ni August.
Nakakausap ko na rin sila Vlad, Bea at Olivia, kahapon lang ay kausap ko sila at halos maubos na ang oras ko sa pinag-uusapan namin. Kung hindi pa ako tatawagin nung dalawa baka hanggang madaling araw ay nag uusap pa rin kaming apat. Halos ilang buwan ko rin kasi silang hindi nakausap kaya siguro ganoon na lang kami kasabik kahapon.
Si Reiko nga pala ay wala ngayon dito sa mansyon, umalis sila ni manang at pumasyal. Minsan lang din naman sila umalis kaya hinayaan ko na, ayaw pa nga sumama ni Reiko nung una dahil hindi raw ako kasama pero maya-maya lang din ay pumayag dahil sa parke ang punta nila. Masyado na rin namang kulong dito sa bahay si Reiko kaya mas mabuti yung nakakaalis sya kahit papaano.
Si August naman ay may pasok habang si Lucius ay umalis dahil may susunduin daw sya sa airport, nabanggit nya na kaibigan daw nila iyon. Hinayaan ko na lang sya at mas nagfocus sa paglilinis sa mansyon. Minsan lang naman ako kumilos dito kaya susulitin ko na, ako kasi yung taong hindi mapakali kapag walang nalilinis sa bahay, hindi ako sanay magbuhay hari dahil lumaki lang naman ako sa bahay ampunan.
Ilang oras din akong busy sa mga halaman at bulaklak ko nang biglang nag ring ang doorbell ng mansyon. Sigurado naman akong si Lucius iyon kaya nilapag ko ang hose na hawak ko at nagpunas ng kamay. Inayos ko rin muna ang mga ginamit kong mga tools para sa mga halaman at bulaklak bago pumasok sa loob. May mga bodyguards naman sa mansyon na magbubukas ng gate para sa kanila kaya hindi na ako nag abala pa.
Pagpasok ko sa loob, sumalubong sa akin ang isang mainit na yakap galing kay Lucius. Wala naman akong nagawa kundi ang yakapin na lang din sya, hindi ko alam gaano katagal ang yakap na iyon at kung hindi ko pa makikita na may kasama sya ay hindi pa ako bibitaw.
Isang matangkad na lalaki ang nasa harap namin ngayon. Gwapo rin ito katulad ng dalawa pero ang mas nakaagaw ng pansin ko ay ang puti nyang mga buhok. Hindi naman sya mukhang matanda pero napaka puti ng buhok nya. Kulay asul din ang mga mata nito na syang lalong nagpaganda sa mukha nito.
"Stop staring at him Yuan" bigla na lang dumilim ang paligid ko dahil nasa mga mata ko na ang kamay ni Lucius. Narinig ko naman ang pagtawa ng lalaking kasama nya.
" You don't even change that kind of behavior bastard" walang madadamang emosyon sa tono nito pero hindi naman malamig ang tono nito.
" Tsk" asik na lang ni Lucius.
Binaba rin ni Lucius ang kamay nya at bigla na lang umakbay sa akin. " Yuan this is our friend, Winter"
" Finally i met you Yuan" nakangiting saad nito. Bigla naman akong nanliit at nahiya ng bahagya. Finally daw? Ibig sabihin ba matagal na nya akong kilala?
" Hello Winter" tanging nasabi ko na lang. Natawa pa ito dahil nahalata nya atang naiilang ako sa kanya.
" May pagkain ba kayo dito? Kanina pa kasi ako nagugutom sa totoo lang" inalis naman ni Lucius ang pagkakaakbay nya sa akin at nilagay sa mga bulsa nya ang kamay. Kahit ano atang pistura ang gawin ni Lucius ay gwapo pa rin sya.
YOU ARE READING
The Obsession Series 1: Augustus and Lucius Partridge
RomanceAugustus and Lucius are siblings. Magkapatid man ngunit iisa lamang ang tumatakbo sa utak nila. Nakukuha nila ang lahat ng gusto nila kaya makukuha rin nila ang isang lalaking nagpatibok ng puso nilang dalawa. " You're ours and you can't do anythin...