Chapter 22

1.4K 38 5
                                    

Sorry of the long update guys, may problema kasi wifi namin and eventually hindi pa sya inaayos ni pldt huhu. Enjoy reading everyone

Yuan

Pag dating namin tatlo sa cottage, pinaupo ako ni Lucius sa kama at kumuha agad ng first aid kit para gamutin ang sugat ko sa paa. Habang naglalakad kami pabalik dito ay todo na ang pag eexplain ko sa kanila dahil ayaw kong magalit pa sila lalo.

Si Augustus ay agad naman naintindihan ang paliwanag ko pero hindi daw mawawala ang galit nya kay Viper habang si Lucius naman ay hirap suyuin, halos umiyak na ako para lang pakinggan nya ako. Pero mabuti nalang dahil nasuyo ko sya kung hindi baka nakahubad na ako ngayon sa harap nya.


" Next time be careful Yuan, tignan mo ang nangyari sa paa mo tsk" asik nya na syang kinangiti ko lang.

Patuloy lang sa pag gamot si Lucius habang si August naman ay pumunta sa banyo para maligo. Naalala ko tuloy si Reiko, hindi sya nakasama dahil ayaw payagan ni manang. Gusto pa man sumama ni Reiko pero ayaw rin naman ng dalawa dahil istorbo lang daw kaya naisip ko na bilhan nalang sya ng souvenir dito.

" Kamusta na kaya si Reiko?" Saad ko.

" Stop thinking about that kid" segunda ni Lucius. Ano bang problema nya sa bata? Dumaan rin naman sila ni August sa ganong edad.

" Bakit ba mainit ang ulo nyo kay Reiko? Mabait na bata naman sya" saad ko.

" We just don't like him" napalingon ako kay August na walang pang itaas na damit kaya umiwas agad ako ng tingin pero nahuli ko ang pag ngisi nya dahilan ng pamumula ng mukha ko. Sinadya nya yun sigurado ako. " We can have our own kid Yuan"

" Stop joking around August" Binalik ko nalang ang tingin kay Lucius na hanggang ngayon ay nililinis ang sugat ko. Medyo malaki kasi kaya mahirap linisan, natuyo pa yung dugo kanina kaya nilinis nya ng mabuti.

" I'm serious"

" I-imposible yang bagay na yan" saad ko nalang. Umangat naman ang tingin ni Lucius sa akin at tinignan ako sa mga mata.

" Nothing is impossible baby, don't you want to have a kid? Ayaw mo ba magkaroon tayo ng anak?" Napailing nalang ako sa mga sinasabi nila.

" I want to have my own kid but i know i can't" saad ko. Totoo na gusto ko magkaroon ng sarili kong anak pero paano? Hindi naman ako tunay na lalaki para buntisin ang isang babae. Bakla ako at imposibleng magkaroon ng anak. Kaya minsan napapaisip ako kung bakit at paano ako nagustuhan ng magkapatid na ito. Am i lucky to have someone like them? Do i deserve someone like them?

Naramdaman ko naman ang dalawang kamay na humawak sa pisnge ko at isang malambot na bagay ang dumikit sa mga labi ko. Napapikit ako dahil sa kiliting nararamdaman ko ngayon. Pagmulat ko ng mata ay bumungad sa akin si August na seryosong nakatingin sakin.

" What the fuck? I want a kiss too" hinatak naman ni Lucius ang mukha ko at binigyan rin ako ng isang halik. Mabuti nalang dahil dampi lang iyon.


" We can make it happen Yuan, we can have our own kids" seryosong saad ni August.

Hindi nalang ako umimik pa dahil hindi ko alam ang sasabibin ko. Ngumiti nalang ako ng tipid, tumabi naman sa akin si August at niyakap ako ng mahigpit, nagreklamo pa si Lucius dahil magulo sya at hindi makakilos ng maayos si Lucius para gamutin ang sugat ko. Napailing nalang ako sa ugali nilang dalawa.

" Done now you should rest baby" tinaboy naman ni Lucius ang kuya nya kaya isang masamang tingin ang binigay nito kay Lucius. Inalalayan ako humiga ni Lucius at binigyan ako ng isang halik sa labi bago umalis sa harap ko.


The Obsession Series 1: Augustus and Lucius PartridgeWhere stories live. Discover now