Happy new year!!
Yuan
After that confession hindi na nawala ang mga ngiti sa labi ng dalawa. Halos ayaw na nilang pumasok sa mga trabaho nila dahil mas gusto na lang daw nila na kasama ako at syempre hindi ko hinayaan na mangyari yun. Pinilit ko silang pumasok sa trabaho nila at inabot ako ng ilang araw bago ko sila mapapayag.
Nandito ako ngayon sa living room kasama si Reiko, tinuturuan ko pa din sya sa pag-aaral. Mabuti na lang dahil mabilis nang matuto ang bata na ito. Hindi na rin masyadong inaaway nila Lucius si Reiko bagkus kasundo na nila ito na syang kinatuwa ko naman.
" Mommy anong oras po uuwi sila daddy?" Isa pa sa mga pinoproblema ko ito, ayaw kasing tantanan ni Reiko na tawagin akong mommy. Okay naman sa akin kung daddy ang tawag nya sa dalawa pero sa akin? Jusko kailan pa ako nagkaroon ng kipay?
Kahit ano namang saway ko sa kanya ay parang wala lang syang naririnig. Patuloy parin ang pagtawag nya sa akin ng ganon kaya hinayaan ko na. Wala din naman magagawa ang pagsesermon ko sa kanya dahil makulit din sya tulad nila Lucius.
Pero sa kabila non ay natutuwa ako dahil pakiramdam ko ay may pamilya na ako. Tanggap ko naman na kahit kailan ay hindi kami magkakaroon ng sariling anak nila August at Lucius. Lalaki lang din ako at kung anong meron sila ay meron ako. Ang pinagkaiba lang non ay ang sukat neto.
" Mamayang gabi pa iyon, bakit? Miss mo na agad sila?" Tumango naman si Reiko.
" Parang mas close mo na ata silang dalawa kaysa sakin?" Kunwaring nagtatampo ang tono ko. Tinigil naman ni Reiko ang pagkukulay nya at niyakap ako.
" Mas love pa rin kita mom" napangiti naman ako sa narinig ko. Tumingin ako kay Reiko at binigyan sya ng isang halik sa noo. Lumaki akong nag-iisa at hindi ko alam kung may kapatid ba ako at magulang pa. Kaya ayokong maranasan ni Reiko ang mga naranasan ko, gagawin ko ang lahat para maramdaman nyang may pamilya sya at kami iyon.
" Ang dami ko na pong toys sa kwarto ko mom, palagi po kasi akong binibilhan nila daddy" halos bilhin na ata nila August ang isang factory ng laruan para kay Reiko. Marami na din talagang laruan si Reiko sa kwarto nya, oo may kwarto na din sya. Ginawa nilang kwarto ni Reiko ang isa sa guest room noon katabi lang naman sya bg kwarto naming tatlo.
" Kakausapin ko na lang sila Rei" tumango naman si Reiko at bumalik na sa ginagawa nya.
Habang pinapanood ko sya ay hindi ko maiwasan maisip sila Vlad, Olivia at Bea. Kamusta ba kaya sila? Ilang buwan ko na silang hindi nakikita at alam kong hanggang ngayon ay nag aalala sila para sakin. Hindi pa rin naman ako makalabas dito dahil ayokong pag awayan na naman naming tatlo ang tungkol doon.
Siguro kakausapin ko na lang sila na gusto kong makipagkita sa mga kaibigan ko. Gusto kong malaman nila na ayos lang ako dito at maganda ang buhay ko kasama sila August at Lucius. Grabe kasi mag alala ang mga iyon lalo na si Olivia, sigurado akong hindi nya tinatantanan si Vlad kakatanong kung ayos lang ba ako.
Hapon na at tulog na si Reiko, pinaakyat ko na sya kanina matapos namin mag lunch kasama si manang. Hindi umuuwi ang dalawa dito para mag lunch, iniisip ko nga kung kumakain ba sila ng pananghalian habang nagtatrabaho.
Nandito pa rin ako ngayon sa living room at ako naman ngayon ang nag-aaral. Malapit na rin matapos ang school year na ito. Mabuti na lang dahil nairaraos ko kahit papaano ang mga activities na pinapagawa sakin kahit nandito lang ako sa bahay.
Habang busy sa ginagawa biglang tumunoh ang door bell ng mansyon. Alam kong busy si manang kasama ang ibang kasambahay kaya ako na lang ang tumayo para buksan ang gate. Lumabas ako at dumiretso sa may gate ng mansyon.
YOU ARE READING
The Obsession Series 1: Augustus and Lucius Partridge
RomanceAugustus and Lucius are siblings. Magkapatid man ngunit iisa lamang ang tumatakbo sa utak nila. Nakukuha nila ang lahat ng gusto nila kaya makukuha rin nila ang isang lalaking nagpatibok ng puso nilang dalawa. " You're ours and you can't do anythin...