Chapter 33

1K 36 6
                                    

Yuan



Nandito ako ngayon sa kwarto, kanina pa ako nakakulong dito simula nang makauwi si Lucius at dahil sa pag-aaway namin. Hindi ko alam kung paano ko sya haharapin, kung gusto ko ba syang makausap ay hindi ko alam. Sigurado akong sa mga oras na ito ay wala na sya dito sa mansiyon at pinapalamig ang ulo nya.








Hindi ko talaga inaasahang sasabihin nya iyon sa akin, alam kong hindi nya sinasadya pero hindi ko kayang intindihin kung bakit kailangan nyang sabihin pa iyon, alam kong nadala lang sya ng selos nya pero kailangan ba talagang humantong iyon sa ganon? Naiinis ako sa pagiging immature ni Lucius minsan at kung pwede lang syang suntukin sa mukha ay nagawa ko na.








Napalingon ako sa veranda ng kwarto na ito, kitang-kita ko mula sa loob ang liwanag ng buwan. Gabi na pala hindi ko man lang namalayan, wala naman akong ganang kumain kaya hindi ko na kailangang bumaba isa pa ayokong bumaba at baka bigla kong makita ang pagdating ni Lucius.









" Yuan" mabilis akong napalingon sa pintuan nang marinig ko ang boses na iyon.








" A-august? K-kauuwi mo lang ba?" Napatayo ako nang wala sa oras. Kailan pa sya dumating? Napatingin ako sa mukha nya, seryoso at...malungkot?








" No, kanina pa ako nandito and i saw what happened" napaamang naman ako at walang salitang umupo. Kanina pa pala sya nandito kung ganoon. Pakiramdam ko wala akong ganang makipag-usap sa kahit kanino pero wala namang kasalanan si August sa nangyari kaya hindi sya pwedeng madamay sa gulo naming dalawa ni Lucius.








" I know what your thinking, just give him time and give time to yourself too. He was just jealous, you know him Meli" may kung anong kirot sa puso ko nang marinig ko ulit yang salitang "Meli" na yan.








" Hindi ba parang ang selfish nya naman? August, naiintindihan kong nagseselos sya pero...h-hindi ko kasi matanggap yung s-sinabi nya sa akin" naramdaman ko na naman ang pagtulo ng mga luha ko. Bakit ba napaka iyakin kong lalaki? Hindi naman ako ganito dati, sobrang nasaktan talaga ako sa sinabi ni Lucius, siguro dahil galing iyong salita na yun sa taong gustong-gusto ko. " G-ganon na ba talaga ako sa paningin nya? Malandi ba ako? Hindi ko nilalandi si Cyrus..."








" I know, please stop crying it hurts me" pinahid ni August ang mga luha kong ayaw tumigil sa pagtulo. " Seeing you crying hurts more than to see you with other man"









" Kailan ko ba huling naranasan ang kalayaan Augustus? Gustong-gusto kong lumabas, gusto kong makita ang mga kaibigan ko, gusto ko silang makausap at makasama pero a-ayaw nyo at naiintindihan ko" naramdaman ko ang dahan-dahang pagyakap nya sa akin. Ang mga kamay ni August ay napunta sa likod at ulo ko at sabay hinaplos iyon.










" Are you asking me to set you free?"









" No August, i'm asking for my freedom. My rights to decide for my self, and it doesn't mean i'll leave you two. I will always be there for the both of you because i know that you know that i'm falling in love with the two of you" naramdaman ko ang biglang pagdiin nya sa yakap sa akin. Ang ulo nya ay napunta sa mga leeg ko at sumiksik doon. " Can you please trust me? Kahit kaunti lang August please let me prove my self to you, ayokong dumepende na lang sainyo palagi hindi ko gusto yun. Gusto kong may magawa rin para sa inyo"









" But being here by our side is more than enough meli" he whispered.









" But for me its not"









The Obsession Series 1: Augustus and Lucius PartridgeWhere stories live. Discover now