Sandrex.
Buong maghapon kaming nanuod ng Rated SPG na palabas. Pfft. Ni hindi nga nasilayan ni Harold ang mga kagandahan na nakita naming apat.
Natulog kami pagkatapos manood nun. Nagising lang kami ng may narinig kaming kumalabog sa baba. Lumabas ako at nakita kong pupungas pungas na lumabas si Rosas. Naka boxer lang ito at tila hindi alintana ang lamig sa paligid.
Tss. Naghubad rin ako ng damit ng makitang naka hubad lang rin si Warson at naka black na sando si Harold. Parehong naka boxer lang rin. Buti nalang talaga at hindi magpapahuli ang katawan ko sa kanila. Ang tunay kasi na gwapo, may abs.
Sabay sabay kaming bumaba at nakita namin si Kzer na nakasimangot rin na nakaupo sa sofa. Umupo sa tabi niya si Warson at Harold. Sa harap naman ako ni Rosas na humihikab hikab pa. Pfft. Nga pala, ang tunay na gwapo, hindi nahihiya ibalandra ang katawan.
Ano kayang sinisimangot nito? Nasagot lang ito ng may makita akong babae na pumasok at nakasuot ng apron na color pink. May tiara pa na tatak. Teka, parang kilala ko ata 'to.
"Waaaaah!" Sigaw nito at nagtakip agad ng mukha. Lumapit naman agad dito si Kzer at humarang sa paningin ng babae. Oh? Anong mali sa amin?
Sumigaw ito. "Hoy! Magdamit nga kayo!" Tinawanan lang ito ni Rosas at nagpose pa na ala macho. Napuno agad ng tawanan ang kabahayan sa ginawa niya. Adik talaga. Parang walang anak kung magpose.
Lima lang kami dito at dumagdag pa ang isang babae. Hindi ko na masyadong makita ang mukha niya dahil tinatakpan ito ni Kzer. Hindi, niyayakap pala. Sumisimple rin 'to eh. Chansing 'pre.
"Hoy! Bata pa 'to kaya please lang!" Sigaw muli ni Kzer. Umakyat agad si Rosas at nagpasabay na kami kumuha ng T-shirt. Mabilis rin naman itong nakababa at nagbihis agad kami. Psh. Adik rin 'to si Kzer eh.
Tumayo ako at binuksan ang TV. At muli kaming nakarinig ng sigaw mula sa babae. Napatingin ako sa kanya na nakawala na rin sa pagkakayakap ni Kzer. Fvck! Im fvking handsome! She's Cinderella!
"Waaaah! Sandrex!" Yumakap ito sa akin ng makita ako. "My fiancé! Baby love, paano ka napunta dito?" Wika nito habang nakahawak sa braso ko.
Napatingin ako sa mga kaibigan ko na natigil sa mga ginagawa. Natigil sa pagsubo ng chips si Harold. Sa pag inom si Warson at pagtawa si Rosas. Nakanganga silang lahat maliban kay Kzer na nakasimangot. Fvck! Ito ang tunay na gwapo, mapapanganga sayo lahat dahil sa rebelasyon. Tangna'
I'm doomed!
========
Kzer.
Sa sofa na ako nakatulog pagkatapos namin manood kanina. Magkakasundo talaga kaming mga lalaki kapag yun na ang napaguusapan.
Rude. Hindi pa pala ako nakakapagpakilala. I am Kzer Anthony Villamor. Only son ni Bettina Villamor. 22 years old na pero single pa rin. Syempre, my heart only belongs to my bestfriend. Unfortunately, she doesn't feel the same way for me.
Ano pa ba ang hahanapin niya sa akin? I'm handsome and macho. I'm macho,macho and macho. Makisig ako at makisig at makisig. Diba? Wala ka ng hahanapin sa akin.
She even rejected me when I confessed to her my true feelings. I was so fvcking hurt that I avoided her for days. Hindi ko siya pinapansin at wala rin naman siyang ginagawa. Siya pa nga ata ang nagalit sa akin. Kasi nga, I'm macho.
Ipinakilala pa niya sa akin ang fiancé daw niya. And I'm surprised to see that it is Sandrex Manalo. One of my Mom's anak anakan. Yes, kilala ko sila dahil lagi silang kinukwento ni Mom sa akin nuon. Sila daw ang gayahin ko at gawing inspirasyon.