Baifrincess

80 3 0
                                    

Kzer.

Being inlove is the best feeling in the world. Lalo na't kung sa taong mahal mo pa ikaw napunta. Yung tipong lahat ng pagod mo ay worth it kasi nakamit mo yung matagal mo ng hinihintay na sagot.

Yung matamis niyang oo.

Being inlove with my best friend brings so much emotion to myself. Nakaramdam ako ng saya, lungkot, awa, paghihinagpis at kakaibang kasiyahan na tinatawag.

Saya, dahil kahit bestfriend lang ang turing niya sa akin ay naiisip ko kung gaano siya nag aalala sa akin. Ang swerte ko dahil siya yung tipo ng babae na hindi maiilang sayo kahit nagtapat ka ng damdamin para sa kanya.

She is the most coolest person I've ever known. Masasabing masaya ako dahil kahit anong mangyari sa amin, babalik at babalik pa rin kami sa dati.

Kahit hanggang mag best friend lang talaga yung ending namin.

Lungkot..

Mahirap naman talaga tanggapin yung mga bagay na kahit anong gawin mo ay hindi mo makukuha. Kasi inilaan at itinadhana sila para sa iba.

Awa..

Yung feeling na nagpakatanga ka dahil sa akala mo may iba pang kahahantungan yung pag asa mong maging kayo.

Naaawa ako sa sarili ko kasi pinipilit ko ang isang bagay na hindi naman talaga para sa akin. I made everything to make her fall for me but were not really meant for each other.

Paghihinagpis..

Natatawa ako kapag naaalala ko yung mga kabaliwan na ginawa ko noon ng i-reject niya ako. Uminom at nambabae. Pinaiyak ko pa nga siya. Aaminin ko, hindi ko nakokontrol yung pag iisip ko noon.

Nadadala kasi agad ako ng emosyon ko. Wala eh, nagmahal lang.

"Teka K! Ang mahal nito ah!" Napalingon ako sa likod ko ng pumasok si B sa kwarto ko. Sumampa ito sa kama at diretsong yumakap sa likod ko. Hindi ko mapigilan na mapangiti ng maamoy ko yung pabarito niyang pabango.

Ipinakita nito sa akin ang perfume na pinabili ko pa from France. Well, that is her favorite perfume. The most expensive and limited perfume in the world.

I smiled. "Worth it naman yan eh. Katulad mo, worth it." Kita ko kung paano ito namula sa sinabi ko.

Lumayo ito at namumulang tingnan ang pabango. Isinara ko ang laptop ko at umupo sa tabi niya.

"Diba? Worth it naman?" I said while smiling all ears.

Nagtaas ito ng tingin at nakita ko ulit yung pamatay niyang tingin. "Naks! Second chance lang ang peg? Sinabi ni Popoy yan nung binigay yung titulo ng bahay nila diba?"

I frowned. Naalala niya pa yun? Last day kasi pinilit niya akong manuod ng movie. I thought it is some fairytale again but I was surprised when I saw its title. A Second Chance of Bea Alonzo and John Lloyd Cruz.

Umirap ako at tumawa siya. "Anyway, Thank you." Wika nito. Hinalikan ako nito sa pisngi at tumakbo palabas ng kwarto ko.

Natatawang napailing ako. I opened my laptop and continue writing on my mini diary online.

Why? Gusto ko lang. Astig kasi eh. Hindi kabaklaan ito huh! It's just my way of keeping memories by myself.

Kakaibang saya?

Yan yung naramdaman ko ng finally natagpuan na namin yung daan para sa isa't isa.

Flashback.

Naramdaman ko ang pagbatok sa akin ni Rosas. Nakaupo ako ngayon dito sa sahig kipkip ang box ng pizza. Yung pizza na pina deliver ko at sumira ng pag e-emo ko sa taas.

THE CHICKBOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon