Call if off

97 4 0
                                    

Rosas

"Daddy? What is love po?" Why do people get married and others are not?" Bigla akong natameme sa tanong ni Daisy. Nandito ako sa kwarto nila ni Nico ngayon. Sophiya is preparing their milk downstairs at ako ang natukang magbasa ng stories para sa kanya.

Nico knows how to read on his own kaya si Daisy nalang ang binabasahan ko. Sometimes he listen to me pero lagi niya akong binabara at tinatama kaya in the end ay nag aaway kami na nauuwi sa harutan na magiging dahilan para hindi sila makatulog ng maaga.

"Dy! You're spacing out po." Napalingon ako kay Daisy ng tapikin nito ang kamay ko. Napansin ko ang pagtingin din sa akin ni Nico.

Binitawan ko ang libro at hinarap silang dalawa. I smiled. Ang ganda nilang tingnan kapag nakahiga na magkatabi sa isang kama. Kahit kambal sila ay si Nico pa rin ang tumatayong kuya para kay Daisy.

Gusto ko sana na ipaghiwalay sila ng tulog pero sinunod ko nalang ang gusto ni Sophiya na pagtabihin ang dalawa para maging close daw sila at hindu gaano mag away.

"Dy..." Natatawang ipinilig ko ang ulo ko. May tanong nga pala ang anak ko.

"People get married because of love. Katulad ng Lola at Lolo niyo diba? Ikinasal sila kasi mahal nila ang isa't isa at sila ang itinadhana ng diyos para magkasama habang buhay."

Napangiwi ako sa explanation ko. Tama ba na yun ang sagot ko? I don't really know what is the meaning of so called love. Para sa akin ay isa iyon sa pinaka mahirap na tanong na kay hirap sagutin. Walang definite answer, kusa nalang mararamdaman.

"So meaning po Dad yung mga hindi nagpapakasal ibig sabihin hindi sila nakakita ng taong itinadhana para sa kanila? Ang unfair naman. Hindi sila magiging happy." Nakanguso na wika ni Daisy.

Tumikhim si Nico dahilan para mapatingin kaming dalawa sa kanya. "It's people choice to be happy or not Daisy. Masyadong malawak ang explanation para dun kaya matulog ka nalang tatangkad ka pa."

I smiled when I saw Daisy pout. "You are just my twin Nico. Don't act like you are ten years older than me because we are just on the same age!" Bumangon ito sa pagkakahiga at tumayo dahilan para tumingala kami sa kanya.

"I know why Nico is always like that. Hindi pa niya kasi nakikita yung itinadhana sa kanya. Kaya hindi pa siya happy. Diba Daddy?" Hinawakan ko ang kamay niya at pinaupo sa lap ko. Bakit ba hindi pa ito inaantok? Hindi ba siya napagod kaka swim kanina?

Tamad na bumangon si Nico at humarap sa amin. "I am not just your twin Daisy. I am your big brother who's willing to take care of you just like what Lolo doing for Lola. Our Daddy for his children. And I am more than happy from what you think. So stop asking and just sleep. Okay?" Kinuha nito ang libro sa bedside table at nagbasa ulit.

Lumapit si Daisy sa akin at bumulong. "Nico is really masungit daddy. Mana siya kay Mommy. Buti nalang ako mana sayo." Humagikhik ito at humalakhak ako. Marahil nga ay nagmana talaga siya sa akin.

Umalis siya sa pagkakaupo sa lap ko at lumapit sa kakambal niya para yakapin ito. I saw how Nico flinched and smiled.

"Pero kahit masungit po si Nico love ko pa rin siya. Yung love para sa magkapatid. Tapos love ko sila Mommy at Daddy kasi parents ko sila."

Yumuko ako para hindi nila mapansin ang luha na nagbabadya sa mata ko. Hindi pa rin talaga ako sanay kapag sinasabi nila na mahal nila ako.

Nakakapanibago. Napakasaya at nakakataba ng puso.

"Daddy?" Agad kong inayos ang itsura ko at nakangiti na tumingin sa kanila. Pero natigilan ako sa naging tanong niya.

"Magpapakasal po ba kayo ni Mommy kasi love mo siya?"

THE CHICKBOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon