Chickboys Vacation

130 6 1
                                    

Warson.

Maya maya ay nakarating na kami sa Isla Gigantes sakay ng helicopter ni Tita Bettina. Lumapag ang helicopter at dinala nila kami sa isang rest house na pag aari ng kaibigan ni Tita. Umupo ako sa sofa at pumikit. Bad trip kaming lahat dahil wala kaming nagawa kungdi umalis. May problema pa naman ako. Tss. I still remember my last conversation with Maegan that night.

****
Damn! Ilang ulit na akong tawag ng tawag sa kanya pero hindi pa rin niya sinasagot ang tawag ko. Nababadtrip na talaga ako. Napapagod na rin ang daliri ko sa kakapindot. Matapos ang ilang minuto ay sinagot na rin niya ito.

"Hello?" Wika nito.

"Maegan. I already know the truth. Bakit hindi mo sinabi na yung ex suitor mo pala yung ipinunta mo diyan?" Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"I didn't tell you kasi I know hindi ka papayag. Napaka possessive mo pa naman." Natigilan ako ng sinabi niya ito. Hindi naman siya nagrereklamo dati diba?

"What? Dahil lang dun? Akala ko ba walang taguan ng sikreto?" Tanong ko. Nafu-frustate na tumayo ako at sinabunutan ang sarili.

"Wala nga. Pero minsan kailangan natin ng maglihim para hindi na pagmulan pa ng away." What? Fvck! Ano bang nangyayari kay Maegan ngayon?! Fvck!

"Maegan! Ano bang pinagsasabi mo?" Galit na sigaw ko. Tumayo ako at pumunta sa terrace ng kwarto ko.

"Maegan? You use to call me babe!" Sigaw nito pabalik. Naasar na ako pero pinigil ko lang ang sarili ko. Tangna' ano bang nangyayari ngayon?

"Babe.." Mahinahon kong wika.

"Marami pa akong ginagawa. Dapat nagi-empake ka na ngayon. Tita Bettina will bring you to Isla Gigantes tomorrow." Wika nito. Sinabi na naman nito ang ang parte na iyon. Ni ayoko ngang sumama dahil sa kanya. Gusto ko siyang bantayan.

"Ayokong umalis." Sagot ko. Kahit ang totoo ay naka empake na talaga ang mga gamit na dadalhin ko bukas. Pinagpaalam rin pala niya ako kay Tita Bettina.

"You should. Diba sabi mo, you will support me with this? Bakit nagagalit ka ngayon dahil makakatrabaho ko yung ex ko? I'm being professional here you know." Paliwanag nito.

"I know, pero hindi ako komportable na nakakatrabaho mo yun!" Sigaw ko. Nagiinit talaga ang ulo ko kapag may lalaki siyang nakakasama. Pwera nalang kung si Harold o yung Daddy nila. Tss. Nakakainis kasi.

"I'm tired Warson. Let's just talk tomorrow. Bye."

"Babe?! Maegan! Hello!" Tawag ko. Tss. Kailan pa siyang natuto na magbaba ng tawag sa akin?! She doesn't even say I love you in the end. Fvck!

Ilang beses kong dinayal ulit ang number niya at hindi ko na macontact. Fvcking shit!

******

"Hey ano bang mga mukha yan? Nandito tayo for vacation guys!" Sigaw ni Kzer. Sa aming lima ay ito lang ata ang masaya. Ipinahatid lang kami ni Tita Bettina sa kakilala niya.

Ilang beses na rin akong nagpaalam na ayokong sumama pero iginiit nito na kailangan kong sumama. Psh. Nakakabadtrip. Tinitext ko siya pero hindi siya nagri reply. Pinili na ba niyang makasama ang ex suitor niya na yun?

Tss, mas gwapo nga ako dun. Iminulat ko ang mata ko at siniko si Harold na umupo sa tabi ko. Mukhang bad trip pa kasi ito.

"Harold? Anong problema mo?" I asked. Sumimangot ito at isinandal ang ulo sa headrest ng sofa pagkatapos ay pumikit.

======

Harold.

"Harold? Anong problema mo?" Warson asked. Sumimangot ako at isinandal ang ulo sa headrest ng sofa pagkatapos ay pumikit. I can still remember how Irish broke my heart into pieces.

THE CHICKBOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon