Rosas.
Halos lahat sa paligid ko ay nagkakagulo. Paroon at parito ang mga tao na dumadaan sa harap ko. Siguro maging sila ay hinahabol ang oras. Oras na maaari nilang ilagi sa pamilya nila. Mga natitirang oras na makakasama nila ang mga ito.
Mabilis akong tumayo ng lumabas ang doctor. Diretso ang titig nito sa akin. Tila nabingi ako sa lahat ng mga ingay sa paligid. Ang tanging naririnig ko lang ay ang boses ng doktor na nagsasabing..
"Sorry Mr. Santino pero ginawa na namin ang lahat para maisalba ang buhay niya. Sorry for your loss Sir. Condolence po."
Naiawang ko ang bibig ko sa gulat. Itinuro nito ang morge kung saan naroroon ang asawa ko.
Mabilis akong tumakbo patungo roon. Hawak hawak ko ang puso ko na nahihirapan huminga dahil sa hindi maipaliwanag na sakit dito sa dibdib ko.
Bumuhos ang sunod sunod na luha ko ng makita ang isang katawan na natatakpan ng puting kumot. Dahan dahan ang ginawa kong paglapit, kasabay ng pag alis ng kumot.
Hindi ko naiwasan na mapahagulgol ng makita ang mukha ni Sophiya. Puting puti ang labi at mukha nito, nawalan ng kulay ang dating magandang mukha nito.
Dahan dahan ang ginawa kong pagyakap sa kanya. Kasabay nito ang pagbuhos ng sobra sobrang luha sa mga mata ko.
Ng mag angat ako ng tingin ay nakita ko ang nanlilisik na mga mata nila Nico at Daisy. They are blaming me for their mother's early death.
Ngunit ang ikinagulat ko ay ang pagkakita ng dugo na nanggagaling sa mga leeg nila. Agad akong lumapit sa kanila para tingnan pero bago pa iyon ay may humawak sa braso ko.
Natatakot na lumingon ako at nakita kong hawak hawak ito ni Barney?
Nagising ako mula sa pagkakatulog. Inilibot ko ang tingin at narealize kong nandito ako sa loob ng hospital kung saan naka confine si Sophiya.
Nakatulog ito pagkatapos kong pakainin kanina. Kumpara sa galos sa katawan ay wala ng ibang natamo pa itong sugat.
Halos lahat ng kaibigan ko ay iniimbestigahan na ang insidenteng nangyari dito. At isa lang ang alam namin na may pakana nito. Ang taong gustong pumatay sa amin.
Everyone is now looking for Andrew. Siya kasi ang nakita na nagaayos ng sasakyan na ginamit ni Sophiya ng makaraang mag away kami.
At siya rin ang magiging susi namin para tanungin kung anong motibo niya sa paglalagay sa kapahamakan ng buhay ng kaibigan niya.
Lumingon ako sa pinto ng pumasok sila Warson at Harold. Nagtataka na lumingon ako dito. Himala at nagpakita na ito?
"Uso pag aahit brad." Biro ko kay Harold. Natatawang umiling ito at sinapak ang braso ko. Ang bading pa rin talaga nito kahit kailan.
"Gago. Kamusta si Sophiya?"
Malungkot ng ngumiti ako. Wala nga siyang pero pakiramdam ko ay nagbago ang pakikitungo niya sa akin. Sa ilang araw na pagbabantay ko sa kanya rito ay hindi pa kami nakakapag usap ng tungkol sa nangyari ng nasa resort kami.
Ang mga bata ay inaalagaan nila Mommy. Hindi rin alam ng mga ito ang nangyari sa nanay nila na ayaw rin ipaalam ni Sophiya sa mga ito.
"Ayos na siya. Sabi ng doktor ay maaari na siyang makalabas bukas."
Umupo ang dalawa sa sofa. Kasunod na pumasok sila Kzer at Sandrex.
Kumunot ang noo ko ng makitang kumpleto kami. May meeting ba kami?
"Anong ganap?"
Ngumisi ang apat sa tanong ko.
"Susugurin natin ang may pakana ng lahat ng death threats natin kapag tuluyan ng magaling si Sophiya."