Kzer's Reese Mouse.

90 3 0
                                    

Kzer

Magulo. Ito na ang pinaka magandang word pang describe sa nangyayari sa barkada ngayon.

Lahat sila magulo ang buhay.

Si Warson, hindi pa rin nagigising. Si Harold hindi malaman kung nasaan. Si Sandrex ay aalis na ng bansa sa di malamang dahilan. At si Rosas, nabalitaan ko na iniwan ito ng mga anak niya.

At mayroon pa kaming kaso na hindi nalulutas. Yung mga taong gustong pumatay sa amin. Hindi pa rin matukoy kung sino ang mga ito.

I heaved out a deep sighed. Nandito ako sa bakeshop ni B. Bestfriend ko na pilit kong inalalayo sa mga gulo na nangyayari sa barkada.

"Uy! Anong problema mo K?" She asked me. Inilapag nito ang cake na bagong gawa nito. Hilig na kasi nitong ipatikim sa akin ang mga bagong cake na ibebenta niya sa bakeshop niya. Kapag hindi ko nagustuhan ay babaguhin nito ang mga recipes at improve ang cake.

Ganyan kalaki ang impluwensiya ko sa kanya. Sayang nga lang at hanggang ngayon ay Bestfriendzoned parin ako. Ouch.

Tinikman ko ito at pinipigilan ko ang sarili ko na huwag pisilin ang pisngi niya sa sobrang cute nito. No, pambata lang pala ang cute. Maganda ito.

"How is it?" Excited nitong tanong sa akin.

Tumango ako at lumaki ang ngiti nito sa labi. "Yieeeh! I told you! Sandrex's Oreo cheesecake is the best cake I've ever made!" Bigla akong napa ubo sa sinabi nito.

Fvck! Sandrex's Oreo Cheesecake! Ganito ba siya kabaliw na pati sa pangalan ng new cake niya ay pangalan pa rin nito ang iniisip nito! Tss!

"Hala! Anong nangyari sayo K?" Alalang tanong nito sa akin.

"Bakit Sandrex pangalan nito? Ang pangit." Ako na ang bitter. Pwede naman na Kzer's Oreo Cheesecake ang pangalan nito ah! Mas cute kaya! Mas bagay kaysa sa Sandrex!

Ngumuso ito at nangalumbaba. "Eh. Yun ang unang pumasok sa isip ko eh."

"Mas maganda kapag Kzer's Oreo Cheesecake". Bulong ko.

"Huh?" Ngumiti ako sa kanya at umiling.

"Hehe. Wala." Wika ko at pilit inubos ang Fvcking Sandrex's Oreo Cheesecake niya."

Pumalakpak ito. "Wow! Nagustuhan mo talaga yan noh? Hihi! Gusto mo pa ba?" She asked.

Agad akong umiling. No way! Hinding hindi ko oorderin ulit yang cheesecake na yan. Tangna! Nakakabitter kaya!

Mag bestfriend kami pero si Sandrex pa ang unang pinangalanan nito ng isa sa mga desserts niya. Whooo! Bigti!

Ngumuso ito. "Sayang. May isa pa kasi akong bago. Yung Kzer's Reese Mouse."

Agad na nanlaki ang mata ko dahil sa narinig. Fvck! Meron akong cake! Meron akong cake!

Napatayo ako. "B! Totoo ba! Totoo ba!"

Nanlalaki ang mata nito. Maya maya ay biglang tumawa dahil sa kabaliwan ko.

"Oo! Ang bingi mo talaga K." Wika nito habang tawa pa rin ng tawa.

Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa. Hinila ko siya para pumasok sa kitchen nito kung saan makikita ang mga bagong gawa nitong cake.

Hindi allowed pumasok ang hindi may ari at staff dito pero exempted ako. Perks of being gwapo. Este of being the bestfriend of the owner. I frowned from that idea. Fvcking bestfriend. Sino kaya nagpa uso niya. Tss!

Agad na hinanap ko ang cake na may label na pangalan ko.

"B! Where is the cake! Where is the cake!" Excited na tanong ko habang palinga linga sa paligid. Sa dami ng cake nila dito ay nakakaduling na kapag tiningnan isa isa.

THE CHICKBOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon